SANDAA’T LABING-ISANG MAGSASAKANG TUPAD BENEFICIARIES, TUMANGGAP NG KANILANG SAHOD BUHAT SA DOLE.

SANDAA’T LABING-ISANG MAGSASAKANG TUPAD BENEFICIARIES, TUMANGGAP NG KANILANG SAHOD BUHAT SA DOLE.
05 Dec 2024

News

SANDAA’T LABING-ISANG MAGSASAKANG TUPAD BENEFICIARIES, TUMANGGAP NG KANILANG SAHOD BUHAT SA DOLE.

“Tuloy-tuloy po ang pakikipag-ugnayan sa ating mga farmers dahil gusto po natin na maging maganda po ang inyong ani ng inyong mga pananim at maging maunlad po ang mga farmers sa Lungsod ng Tayabas.” Ito ang mga katagang binanggit ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso sa isinagawang pay-out ng DOLE TUPAD para sa mga farmers.
 
Sa loob ng sampung ( 10 ) araw na pagtatrabaho sa kani-kanilang sinasakang lupa ng sandaan’t labing-isang (111) TUPAD beneficiaries ay tinanggap na ngayong Miyerkules, December 4, 2024 ang kanilang sweldo na nagkakahalaga ng limang libo animnaraaang piso (P5,600) buhat sa Department of Labor and Employment.
 
Ang Tulong Panghanapbuhay para sa Ating Disadvantaged Workers (TUPAD) ay pinondohan sa tulong ni Sen. Francis Tolentino at DOLE IV-A sa pamamagitan ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso. Kaya lubos ang pasasalamat ng mga beneficiaries sa patuloy na suporta ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso sa ganitong mga programa para sa mga Tayabasin.
 
Dumalaw at nagpahayon ng kanilang mensahe sina Konsehal Elsa Rubio at Konsehal Carmerlo Cabarrubias.
 
Pinamahalaan nina DOLE TUPAD Coordinator Angelica Cuario katuwang ang mga tauhan ng City Agriculture Office ang pay-out na ginanap sa Atrium ng New Tayabas City Hall.
SHARE ON
Scroll to Top