TATLONG BAGONG UNIT NG GARBAGE TRUCKS, DUMATING NA

TATLONG BAGONG UNIT NG GARBAGE TRUCKS, DUMATING NA
11 Apr 2025

News

TATLONG BAGONG UNIT NG GARBAGE TRUCKS, DUMATING NA

Dumating ngayong Biyernes, April 11, 2025, ang tatlong bagong unit ng garbage collection truck na binili ng lokal na pamahalaan bilang karagdagan sa fleet ng Ecological Solid Waste Management Unit ng City Environment and Natural Resources Office.
 
Noong panahon ng budget preparation ay nagmungkahi ang CENRO kay Mayor Lovely Reynoso-Pontioso na mabigyan ng pondo ang pagbili ng mga bagong garbage collection trucks upang maibsan ang problema sa bilang ng umiikot na truck lalo na kapag may mga unit na nasisira o nangangailangan ng pagkukumpuni. Kagyat naman itong pinayagan ng alkalde na mapasama sa 2025 Annual Budget ng Lungsod ng Tayabas.
 
Sa pagdating ng mga bagong unit ng truck ay masosolusyunan ang pangangailangan sa bilang ng lumilibot na trak ng basura sa buong kalunsuran.
 
Inaasahang matapos ang masusing inspeksyon at pagkakaroon ng mga kaukulang dokumento ay kagyat na magagamit ang mga bagong truck sa pangongolekta ng basura.
 
Ang pagpupursigi ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso, sa pamamagitan ng ESWMU-CENRO, na makabili ng karagdagang truck ng basura ay nakapaloob pa rin sa HEART agenda ng administrasyon na tumutukoy sa wastong paggamit at pangangalaga ng “Resources” ng lokal na pamahalaan.
SHARE ON
Scroll to Top