
20
May 2025
News
Tatlumpu’t apat (34) na business-owners at local creative industry players mula sa sektor ng sining at negosyo ang lumahok sa Intellectual Property Essentials for Business and Creative Industries Seminar

sPinangunahan ni Mr. Joel C. Caalaman, isang IP Field Operations Specialist, at tubong Tayabas, ang nasabing pagsasanay na layuning palakasin ang kaalaman ng mga kalahok sa tamang pagprotekta sa kanilang likhang-sining at produkto alinsunod sa intellectual property rights.
Ibinahagi ni Mr. Caalaman ang kahalagahan ng pagpaparehistro sa Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL) ng mga sariling-likha upang mapanatili ang karapatang-ari at maiwasan ang pamemeke o ilegal na paggamit nito.
Bagamat hindi personal na nakadalo, nagpaabot ng mensahe si Mayor Lovely Reynoso-Pontioso sa pamamagitan ng kanyang kinatawan na si Glaiza Joy T. Francia. Ayon sa alkalde, buong suporta ng lokal na pamahalaan ang mga ganitong hakbangin na naglalayong mapaunlad ang lokal na industriya at makilala ang Tayabas sa larangan ng sining at negosyo.
Hinikayat din ang iba pang mga negosyante at creative players na agarang magparehistro sa IPOPHL upang maprotektahan ang kanilang negosyo at likhang produkto.
Ang seminar ay pinangunahan ng Department of Trade and Industry (DTI) at Intellectual Property Office of the Philippines, sa pakikipagtulungan ng LGU Tayabas at Tayabas City Tourism Office.


Related Articles
Popular Category
Recent Posts
