16
Sep 2024
News
TINGNAN || DAPAT ALAM NG MGA TAYABASIN ANG MGA SERBISYO, PROGRAMA AT PROYEKTO NG PAMAHALAANG LOKAL NA KAPAKI-PAKINABANG SA MAMAMAYAN.
TINGNAN || DAPAT ALAM NG MGA TAYABASIN ANG MGA SERBISYO, PROGRAMA AT PROYEKTO NG PAMAHALAANG LOKAL NA KAPAKI-PAKINABANG SA MAMAMAYAN.
Dinaluhan ng daan-daang residente ng Ilayang Palale ang LGU Tayabas Frontline Services Awareness Forum sa Barangay Covered Court ngayong Biyernes, September 13, 2024. Isa-isang nagsalita sa harap ng mga Ilayahin ang mga kinatawan ng mga opisina ng pamahalaang lokal upang ipahayag ang kani-kanilang mga serbisyo, programa at proyekto na dapat pinapakinabangan ng mga tao.
Dumating din si Mayor Lovely Reynoso-Pontioso at Konsehal Elsa Rubio na nagpahayag din ng kanilang mga ginagawa para patuloy na mapaunlad at mapaglingkuran ang mga Tayabasin.
Patuloy na lilibot sa 66 na barangay sa Lungsod ng Tayabas ang mga kinatawan ng mga tanggapan sa mga susunod na araw para maipalaganap ang kaalaman sa mga serbisyo at inisyatibo ng pamahalaan.
Ang LGU Tayabas Frontline Services Awareness Forum ay isang Information and Education Campaign (IEC) activity ng City Information and Community Relations Office sa pamamatnubay ng tanggapan ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso.