TINGNAN || IBA’T-IBANG URI NG SERBISYONG REYNOSO, INILAPIT SA MAMAMAYAN NG BARANGAY ILAYANG BUKAL.

TINGNAN || IBA’T-IBANG URI NG SERBISYONG REYNOSO, INILAPIT SA MAMAMAYAN NG BARANGAY ILAYANG BUKAL.
10 Jan 2024

Health

News

TINGNAN || IBA’T-IBANG URI NG SERBISYONG REYNOSO, INILAPIT SA MAMAMAYAN NG BARANGAY ILAYANG BUKAL.

TINGNAN || IBA’T-IBANG URI NG SERBISYONG REYNOSO, INILAPIT SA MAMAMAYAN NG BARANGAY ILAYANG BUKAL.
 
Sa pagpapatuloy ng paglalapit ng serbisyo sa mamamayan ay muling nagsagawa ang OCM-MHMERT, katuwang ang iba’t-ibang tanggapan ng lokal na pamahalaan, ng kauna-unahang Serbisyong Reynoso Caravan para sa taong 2024 sa Barangay Ilayang Bukal ngayong Martes, January 9, 2024.
 
Pinamunuan ni Office of the City Mayor-Mobile Health and Medical Emergency Response Team (OCM-MHMERT) Leader and Assistant City Health Officer, Dr. Ma. Graciela Derada-De Leon, ang paghahatid ng iba’t-ibang serbisyo ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas sa pamamagitan ng Serbisyong Reynoso Caravan upang mailapit at hindi na mahirapan ang mga naninirahan sa nasabing komunidad para magpakonsulta, ECG, iba’t-ibang uri ng laboratory, diagnostic and dental services.
 
Sa Barangay Ilayang Bukal din nagsagawa ang mga tanggapan ng Offsite Services gaya ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO), Office of the City Agriculture, City Environment and Natural Resources Office (CENRO), City Civil Registry Office (CCRO), Office of the City Library at Office of the City Veterinarian.
 
Hindi nakasama sa caravan si Mayor Lovely Reynoso-Pontioso dahil sa mga naunang kompromiso kaya nagpaabot na siya ng mensahe sa mga taga-Ilayang Bukal sa pamamagitan ng kinatawan.
SHARE ON
Scroll to Top