02
Oct 2024
News
TINGNAN || LIMAMPUNG TEEN HEALTH WORKERS, NAGTAPOS SA 1st SESSION NG PAGSASANAY.
TINGNAN || LIMAMPUNG TEEN HEALTH WORKERS, NAGTAPOS SA 1st SESSION NG PAGSASANAY.
Limampung (50) high school students mula Ilasan Integrated School at San Roque Parochial School ang nagtapos sa 1st session ng pagsasanay ng mga Teen Health Workers ngayong Lunes, September 30, 2024.
Ginanap sa Ilasan Integrated School ang seremonya ng pagtatapos ng mga mag-aaral na sumailalim sa pitung ( 7 ) araw na pagsasanay sa pagkuha ng body temperature, pagsukat ng height and weight, blood pressure, vital signs, paglapat ng paunang lunas at iba pang basic procedures na mahalagang bahagi sa pagiging Teen Health Workers. Nagpakita naman ng buong suporta ang mga magulang ng 50 mag-aaral.
Ang Teen Health Workers ay programa ng Office of the City Mayor-Mobile Health and Medical Emergency Response Team (OCM-MHMERT), sa pakikipagtulungan ng Quezon Medical Society and Schools Division of Tayabas City para mahasa ang mga piling high school students sa mga gawaing may kinalaman sa pangangalaga ng kalusugan at makatulong na sa kanilang paaralan, tahanan at pamayanan.
Dinaluhan nina Ilasan Integrated School Master Teacher-I John Benedict M. Aguerra, Teacher I Jeremy Molina ng San Roque Parochial School, Assistant City Health Officer Dr. Maria Graciela D. De Leon, at QMS President Dr. Margaret Elaine J. Villamayor ang graduation Ceremony.
Bagamat hindi nakapunta sa Graduation Ceremony si Mayor Lovely Reynoso-Pontioso dahil sa mga kasabay na programa ay nagpadala naman siya ng kinatawan para magbahagi ng mensahe ng pagsuporta sa makabuluhang programa.