20
Aug 2024
Health
News
TINGNAN || MGA RESIDENTE NG LEVERIZA HEIGHTS SA BARANGAY ISABANG, NAKINABANG SA SERBISYONG REYNOSO CARAVAN.
TINGNAN || MGA RESIDENTE NG LEVERIZA HEIGHTS SA BARANGAY ISABANG, NAKINABANG SA SERBISYONG REYNOSO CARAVAN.
Nagtungo ngayong Martes, August 20, 2024 ang mga tauhan ng Office of the City Mayor-Mobile Health and Medical Emergency Response Team (OCM_MHMERT) sa Leveriza Heights, Barangay Isabang, para ilapit sa mga residenteng naninirahan doon ang Serbisyong Reynoso Caravan na may libreng medical consultation, ECG, X-ray at iba’t-ibang uri ng laboratory and diagnostic services.
Nagsagawa din ng offsite services ang tanggapan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO), Office of the City Library at City Veterinary Office para sa kanilang serbisyo sa mga residente ng nasabing lugar. Maging ang App Registration and Issuance ng Tayabazen Card ay isinagawa din doon ng mga tauhan ng OCM-Information and Communication Technology (ICT) Section.
Nagpadala naman si Mayor Lovely Reynoso-Pontioso ng kanyang kinatawan para magbigay ng kanyang mensahe “na sa Lungsod ng Tayabas ang pag-aalaga sa kalusugan ng mga Tayabasin ay patuloy na nasa puso ng administrasyon ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso. At ang Serbisyong Reynoso Caravan ay patunay ng pagpapahalaga sa kalusugan nating lahat.”