TULOY PA RIN ANG OPERASYON KONTRA KOLORUM!

TULOY PA RIN ANG OPERASYON KONTRA KOLORUM!
11 Mar 2025

News

TULOY PA RIN ANG OPERASYON KONTRA KOLORUM!

Umabot sa walong ( 8 ) traffic violators ang naisyuhan ng citation ticket dahil sa iba’t ibang violation sa isinagawang operasyon kontra kolorum noong Lunes, March 10, 2025.
 
Pinangasiwaan ng mga tauhan ng OCM-Traffic Operations Section at Tayabas Component City Police Station ang operasyon na may layuning mapasunod ang mga namamasadang tricycle driver at mga motorista sa mga patakaran at panuntunan na nakapaloob sa City Traffic Ordinance Number 21-27.
 
Bukod sa pag-impound sa mga nahuling kolurum ay pagmumultahin sila ng halagang limanlibong piso (P5,000).
 
Nagpaalala rin ang mga tauhan ng OCM-Traffic Operations Section at Tayabas Component City Police Station na maging mahinahon kapag nakalatag ang checkpoint o kapag pinapara at huwag magalit sa mga tagapagpasunod ng batas sapagkat sumusunod lang din sila sa kautusan na nakapaloob sa ordinansa ng Lokal na Pamahalaan ng Tayabas.
SHARE ON
Scroll to Top