
11
Apr 2025
News
TUMANGGAP NG DALAWANG BAGONG UNIT NG RESCUE VEHICLES ANG TAYABAS CITY DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE

Isinulit sa tanggapan ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) ang dalawang brand new Rescue Vehicles na gagamiting karagdagang sasakyan sa pagresponde sa iba’t ibang uri ng insidente at kalamidad.
Kabilang ang nasabing rescue vehicles sa binigyang-prayoridad ng CDRRM Council na pinamumunuan ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso para higit na maprotektahan ang kapakanan ng mamamayang Tayabasin sa mga oras-de-peligro.
Ang biniling mga sasakyan ay pangunahing nakatuon sa bilis at kahusayan sa pagtugon sa mga emergency at sakuna. Nilagyan sila ng mga espesyal na kagamitan para sa pangangalaga sa eksena, mabilis na pagtugon, at tulong sa mga namamahala ng kalamidad. Mas papadaliin nito ang real-time update at ulat na tumutulong sa pagsubaybay at koordinasyon ng sitwasyon.
Kasalukuyang dumadaan sa inspeksyon ang mga sasakyan upang masiguro na angkop sa itinakdang specifications at kumpleto ang mga kagamitan at papeles para tuluyang mapakinabangan.

