
13
May 2025
Events
News
Tourism
Umabot sa 94 pet owners ang masayang nakiisa kasama ang kanilang mga alagang aso sa taunang “Petstival” na isinagawa nitong Linggo, Mayo 11, 2025

Umabot sa 94 pet owners ang masayang nakiisa kasama ang kanilang mga alagang aso sa taunang “Petstival” na isinagawa nitong Linggo, Mayo 11, 2025, sa Silungang Bayan ng Tayabas. Bahagi ang pagdiriwang ng Mayohan sa Tayabas Festival 2025.
Ang Petstival ay taunang aktibidad ng City Veterinary Office ng Tayabas na kinapapalooban ng Parada ng mga Aso, iba’t-ibang palaro para sa mga pets, giveaways, freebies, prizes, free snacks, raffle at photo-op sa dog mascots.
Ngayong taon ay ipinakilala ng City Veterinary Office ang kanilang bagong MASCOT na si Basty (Dog) at si Vetsy (Cat).
Ang Petstival ay proyekto ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas sa pamamagitan ng City Veterinary Office at isinusulong ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso upang patuloy na mapalaganap ang Responsible Pet Ownership.
Panalo sa Best Pet Costume Contest ang pet dog na si Cupcake na siyang nakasungkit ng 1st place at ang Pet owner na si Geraldine Villapando; Coal at ang Pet owner niyang si Syra Adormeo sa Dog Food Eating Contest Small Category, Khaki at ang Pet owner Retico Zaracena sa Medium Category, at Bagat at Pet owner Joen Tabernilla sa Large Category; Dog Dash Small Category winner sina Sieven at Pet owner Asleene Zoleta, Khaki at Pet owner Retico Zaracena sa Medium Category at Snowball and Pet owner Al Garcia sa Large Category; Dog Talent and Tricks Contest winner si Basha at ang Pet owner na si Ouch Reyes.
Ikinagalak ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso na isang ring pet lover ang pag suporta ng bawat kalahok sa mga gawaing nagpapalaganap sa pagmamahal lalo’t higit sa mga alagang pets. Mula sa Petstival hanggang sa puso ng bawat alaga, tunay ngang buhay na buhay ang diwa ng Mayohan sa Tayabas!


Related Articles
Popular Category
Recent Posts
