Umabot sa isang libong (1,000) pirasong budin ang inihain para sa mga Tayabasin

Umabot sa isang libong (1,000) pirasong budin ang inihain para sa mga Tayabasin
17 May 2025

Events

News

Tourism

Umabot sa isang libong (1,000) pirasong budin ang inihain para sa mga Tayabasin

Matagumpay na isinagawa ang Piyesta Budin nitong Biyernes, Mayo 16, 2025, bilang bahagi ng selebrasyon ng Mayohan sa Tayabas Festival 2025.
 
Umabot sa isang libong (1,000) pirasong budin ang inihain para sa mga Tayabasin.
 
Ang mga budin ay nilikha ng dalawampu’t limang (25) beteranong kalahok mula sa Calle Budin, ang tinaguriang tahanan ng orihinal na budin. Upang mas marami ang makatikim, hinati sa apat na piraso ang bawat budin bago ito inihain sa publiko.
 
Tinasa ang lasa at kalidad ng mga obra ng mga huradong sina Mr. Lemuel Ritchie S. Cervantes, Charleine Aramei C. Cortez, at Renz Dela Cruz.
 
Sa huli, itinanghal na kampeon si Loradee Cabuyao na nag-uwi ng ₱5,000. Pumangalawa si Aileen Alcanzado na nakatanggap ng ₱4,500, habang si Gina Morte ang nakakuha ng ikatlong pwesto at premyong ₱4,000. Ang mga hindi pinalad na manalo ay tumanggap pa rin ng ₱2,000 bilang consolation prize.
 
Isang patunay ang Piyesta Budin ng masarap at masiglang kultura ng Tayabas kung saan ang bawat kagat ay may kwento ng tradisyon at pagmamalaki.
 
Ang tanggapan ng Tayabas City Tourism ang nagpadaloy sa programa sa pamumuno ni OIC Koko Pataunia.
SHARE ON
Scroll to Top