Vendor’s Health Awareness Day: Prioritizing Wellness, Preventing Hypertension & Diabetes!

Vendor’s Health Awareness Day: Prioritizing Wellness, Preventing Hypertension & Diabetes!
02 Apr 2025

Health

News

Vendor’s Health Awareness Day: Prioritizing Wellness, Preventing Hypertension & Diabetes!

Sandaan at labing-siyam (119) na vendors ang nakiisa sa isinagawang Vendor’s Health Awareness Day na inorganisa ng Office of the City Mayor-Mobile Health and Medical Emergency Response Team ngayong Miyerkules, April 02, 2025, sa Trading Post ng Tayabas Public Market.

Inilunsad ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso ang programa para mapangalagaan ang kalusugan ng mga maninindahan na halos araw-araw na nakikipagsapalaran mapagserbisyuhan lamang ang mamamayan.
Priority project ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso ang health awareness caravan na tumututok sa kalusugan ng iba’t ibang sektor ng Lipunan kung saan may libreng konsultasyon, gamot, laboratory, ECG, Chest X-ray, at Ultrasound. Maaari ding magpalista para sa libreng Physical Therapy session ng mga na-stroke na vendors. Maging ang App Registration and Issuance ng Tayabazen Smart Card ay isinasagawa sa nasabing lugar ng mga tauhan ng OCM-Information Communication and Technology (ICT) Section.
Nandoon din ang mga kawani ng Public Employment Services Office (PESO), City Dental Office at OCM-Information and Communication Technology (ICT) Section para magsagawa ng offsite services.

Personal na nagtungo si Mayor Lovely Reynoso-Pontioso sa isinagawang aktibidad at aniya “Patuloy ang suporta ng Lokal na Pamahalaan sa lahat ng pangangailangan ng mamamayan. Kaisa ang Administrasyon ni Mayor Lovely na prayoridad ang pagpapahalaga ng kalusugan ng bawat isa.”

Nagsisilbing panuntunan sa paglilingkod ng Serbisyong Reynoso ang palaging pangako ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso na “Sa Lungsod ng Tayabas ang pag-aalaga sa kalusugan ng mga Tayabasin ay patuloy na prayoridad ng administrasyon. At ang MHMERT Health Awareness Day ay patunay ng pagpapahalaga sa kalusugan ng lahat.”
SHARE ON
Scroll to Top