20 October 2025

𝗔’𝗮𝗵! 𝗧𝘂𝗻𝗮𝘆 𝗻𝗴𝗮𝗻𝗴 𝘆𝗮𝗻𝗼𝗻𝗴 𝗴𝗮𝗹𝗶𝗻𝗴!

Buong puso naming ibinabahagi ang karangalang natamo ng Lungsod ng Tayabas sa katatapos lamang na Quezon Tourism Excellence Awards 2025, bilang pagkilala sa patuloy nitong pagpupunyagi at pagsulong sa larangan ng Turismo:

Tourism Promotions Category

• 𝗕𝗲𝘀𝘁 𝗧𝗼𝘂𝗿𝗶𝘀𝗺 𝗕𝗿𝗼𝗰𝗵𝘂𝗿𝗲

Event Celebration Category

• 𝗙𝗮𝗶𝘁𝗵-𝗯𝗮𝘀𝗲𝗱 𝗖𝗲𝗹𝗲𝗯𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗼𝗳 𝘁𝗵𝗲 𝗬𝗲𝗮𝗿 – 𝗕𝘂𝗲𝗻 𝗖𝗮𝗺𝗶𝗻𝗼: 𝗠𝗮𝗽𝗮𝗴𝗽𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗴𝗹𝗮𝗹𝗮𝗸𝗯𝗮𝘆
• 𝗖𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗲-𝗯𝗮𝘀𝗲𝗱 𝗖𝗲𝗹𝗲𝗯𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗼𝗳 𝘁𝗵𝗲 𝗬𝗲𝗮𝗿 – 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗵𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗧𝗮𝘆𝗮𝗯𝗮𝘀 𝗙𝗲𝘀𝘁𝗶𝘃𝗮𝗹

Institutional Category

• 𝗙𝗼𝗼𝗱 𝗦𝗲𝗿𝘃𝗶𝗰𝗲 𝗣𝗿𝗼𝘃𝗶𝗱𝗲𝗿 𝗼𝗳 𝘁𝗵𝗲 𝗬𝗲𝗮𝗿 – 𝗞𝗮𝗺𝗮𝘆𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗣𝗮𝗹𝗮𝗶𝘀𝗱𝗮𝗮𝗻 𝗟𝗮𝗻𝘇𝗼𝗻𝗶𝘀𝗮𝗻 𝗡𝗮𝘁𝗶𝘃𝗲 𝗥𝗲𝘀𝘁𝗮𝘂𝗿𝗮𝗻𝘁
• 𝗧𝗿𝗮𝘃𝗲𝗹 & 𝗧𝗼𝘂𝗿 𝗢𝗽𝗲𝗿𝗮𝘁𝗼𝗿 𝗼𝗳 𝘁𝗵𝗲 𝗬𝗲𝗮𝗿 – 𝗕𝗮𝘁𝗵𝗮𝗹𝘂𝗺𝗮𝗻 𝗧𝗿𝗮𝘃𝗲𝗹 & 𝗧𝗼𝘂𝗿𝘀

Ang mga karangalang ito ay sumasalamin sa pagkakaisa, dedikasyon, at pagmamahal ng mga Tayabasin sa ating lungsod, na tunay na maipagmamalaki sa larangan ng sining, kultura, at turismo.

Lubos ang aming pasasalamat kay Mayor Anthony “Kuya Piwa” Lim sa kanyang pangunguna, paggabay, at walang sawang suporta sa mga adhikain ng turismo at kultura sa Lungsod ng Tayabas.

Gayundin, isang taos-pusong pasasalamat sa Sangguniang Ukol sa Sining, Kultura, at Turismo (S.I.K.A.T.) o Tayabas City Tourism Council, sa kanilang pagtutulungan at malasakit sa bawat programa at proyektong panturismo ng lungsod.

At higit sa lahat, aming pasasalamat sa Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa pamamagitan ng Quezon Provincial Tourism Office, sa pagkilala at pagbibigay-karangalan sa Lungsod ng Tayabas.

Ang bawat pagkilalang ito ay hindi lamang tagumpay ng Lungsod ng Tayabas, kundi tagumpay ng bawat Tayabasin!

Mabuhay!

Share on
Scroll to Top