23 September 2025
๐๐ฒ๐๐๐ฒ๐ท๐ผ ๐ฑ๐ฒ ๐น๐ผ๐ ๐๐ป๐ด๐ฒ๐น๐ฒ๐: ๐ง๐๐น๐ผ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ถ๐ฝ๐ฎ๐ฑ, ๐๐ฎ๐ต๐ถ๐ ๐ ๐ฎ๐๐น๐ฎ๐ป!





Sa kabila ng ulan at malakas na hangin dulot ng bagyong Nando, higit pitong daang โanghelโ ang nagtipon nitong Lunes, Setyembre 22, 2025, upang ipagdiwang ang makulay na ๐๐ฆ๐ด๐ต๐ฆ๐ซ๐ฐ ๐ฅ๐ฆ ๐ญ๐ฐ๐ด ๐๐ฏ๐จ๐ฆ๐ญ๐ฆ๐ด sa Tayabas.
Bagaman nagkaroon ng ilang adjustment, matagumpay pa ring naisagawa ang programa sa Silungan Bayan ng Tayabas. Pangunahing tagapagsalita si Mayor Anthony โPiwaโ Lim, na naghatid ng inspirasyon at dagdag pa-premyo para sa mga bata. Nagpaabot din ng kanilang pagbati at pasasalamat sina Mr. Koko Pataunia, Supervising Tourism Operations Officer, at si Konsehala Ana Cristina R. Obispo, Chairperson on Committee on Tourism and Culture na ipinabatid ni Ms. Marjorie Rabuel.
Higit namang nagpasigla sa pagdiriwang ang espesyal na pagbisita ni Jollibee, na naghandog ng isang masayang dance number!
Isang patunay na ang tunay na diwa ng Festejo ay hindi napipigil ng ulan o unos, at lalo pang pinagtitibay ating pamayanan!