20 October 2025
Para sa Pamana ng Kasaysayan, Para sa Bayan!





Sa likod ng matagumpay na paghahawi ng tabing ng panandang pangkasaysayan ng Basilica ng Tayabas nitong nakaraang linggo, ay ang sama-samang pagsisikap ng mga dedikadong tauhan mula sa Built Heritage Maintenance Personnel (BHMP) ng Tanggapan ng Kultura at Sining, General Services Office (GSO), City Engineering Office, Tauhan mula sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas, pangkat ng tauhan mula Basilica Menor ni San Miguel at ilang miyembro ng mga tagapagtaguyod ng kultura at kasaysayan ng Tayabas na pangunahing mga nagsulong upang maisaayos at muling maitanghal ang panandang pangkasaysayan ito.
Hindi biro ang proseso ng paglalagay ng isang panandang pangkasaysayan. Ito ay nangangailangan ng maingat na pagpaplano, tamang koordinasyon, at pusong may tunay na malasakit sa ating pamanang pangkasaysayan. Sa kanilang sipag at pagtutulungan, sa kabila ng iba pang kaabalahan, matagumpay na naitayo at nailunsad ang panandang ito na magsisilbing paalala ng 𝗸𝗮𝗵𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗕𝗮𝘀𝗶𝗹𝗶𝗰𝗮 𝗻𝗴 𝗧𝗮𝘆𝗮𝗯𝗮𝘀 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝘀𝗮𝘆𝘀𝗮𝘆𝗮𝗻, 𝗸𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗮 𝗮𝘁 𝗽𝗮𝗻𝗮𝗻𝗮𝗺𝗽𝗮𝗹𝗮𝘁𝗮𝘆𝗮 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗧𝗮𝘆𝗮𝗯𝗮𝘀𝗶𝗻.
Ang gawaing ito ay patunay na patuloy ang lokal na pamahalaan ng Tayabas sa pangunguna ng Tanggapan bg Turismo, Kultura at Sining at ni Mayor Anthony “Piwa” Lim sa pagsusulong ng pagpapanatili ng mga makasaysayang pook, bilang pagkilala sa mga ugat ng ating pagkakakilanlan bilang mga anak ng Tayabas.
𝘔𝘢𝘣𝘶𝘩𝘢𝘺 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘵𝘢𝘨𝘢𝘱𝘢𝘨𝘵𝘢𝘨𝘶𝘺𝘰𝘥 𝘯𝘨 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘒𝘶𝘭𝘵𝘶𝘳𝘢 𝘢𝘵 𝘒𝘢𝘴𝘢𝘺𝘴𝘢𝘺𝘢𝘯!