09 September 2025
Buwan ng Turismo





𝗕𝗨𝗪𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗥𝗜𝗦𝗠𝗢, 𝗗𝗔𝗣𝗔𝗧 𝗠𝗔𝗞𝗔𝗞𝗔𝗟𝗜𝗞𝗔𝗦𝗔𝗡 𝗧𝗔𝗬𝗢!
Sumikat ang luntiang umaga sa Lungsod ng Tayabas dahil sa isinagawang 𝗘𝗰𝗼𝘁𝗼𝘂𝗿𝗶𝘀𝗺 𝗦𝗶𝘁𝗲 𝗠𝗼𝗻𝗶𝘁𝗼𝗿𝗶𝗻𝗴 sa 𝗕𝘂𝗻𝗱𝗼𝗸 𝗕𝗮𝗻𝗮𝗵𝗮𝘄, alinsabay sa pagdiriwang ng Buwan ng Turismo na isinagawa noong Setyembre 5, 2025.
Katuwang ng Tourism, Culture and the Arts Office sa pamumuno ni SVTOO Koko Pataunia at TCAO Focal Person Miguel Romero ang City Environment and Natural Resources Office, sa pamumuno ni ENRO Melvin Rada at mga kasamahan sa opisina. Kasama din ng TTCAO at ENRO ang mga bisita mula sa 𝗨𝗻𝗶𝘃𝗲𝗿𝘀𝗶𝘁𝘆 𝗼𝗳 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 College of Architecture faculty members and students.
Layunin ng aktibidad na makita ang kalalagayan ng bundok na sakop ng Nursery ng Barangay Lalo at Barangay Alitao.
Pinasyalan din ang ilan sa mga Natural Heritage ng Tayabas na nasa Bundok Banahaw kagaya ng Talon ng Tomloy at Talon ng Malagaylay. Hindi rin pinalampas na bisitahin ang Historical Marker ng makasaysayang Labanan sa Alitao.