03 September 2025

Paggunita sa Ika-128 Taon ng mga Bayani ng Taaw

𝗣𝗔𝗚𝗚𝗨𝗡𝗜𝗧𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗞𝗔-𝟭𝟮𝟴 𝗧𝗔𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡𝗜 𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗔𝗪.

Pinangunahan ng Tanggapan ng Turismo, Kultura at Sining ng Tayabas sa pamumuno ni TCAO Focal Person, Miguel Romero at SVTOO Koko Pataunia kasama ang Sangguniang Barangay ng Angustias Sona-IV, sa pangunguna ni Punong Barangay, Mario Durante ang pag-aalay ng bulaklak, panalangin at pag-awit ng Lupang Hinirang sa bantayog ng mga Bayani ng Taaw ngayong umaga ng Miyerkules, Setyembre 3, 2025.

Nagpaabot naman ng mensahe ang Punong Lungsod ng Tayabas, Mayor Anthony A. Lim, sa pamamagitan ni G. Renato Edrad bilang pakiiisa sa nasabing paggunita.

Nagtapos sa isang payak ngunit masayang salo-salo ang pagtitipong naganap.

“𝘈𝘭𝘢𝘭𝘢𝘩𝘢𝘯𝘪𝘯 𝘵𝘶𝘸𝘪𝘯𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘣𝘢𝘯𝘢𝘭 𝘯𝘢 𝘢𝘳𝘢𝘭 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘉𝘢𝘺𝘢𝘯𝘪 𝘯𝘢 𝘯𝘢𝘴𝘢𝘸𝘪 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘨-𝘪𝘣𝘪𝘨 𝘴𝘢 𝘉𝘢𝘺𝘢𝘯”

-Lakambini ng Katipunan

𝗠𝗮𝗯𝘂𝗵𝗮𝘆 𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗱𝗮𝗸𝗶𝗹𝗮𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻𝗶 𝗻𝗴 𝗧𝗮𝗮𝘄!

𝗠𝗮𝗯𝘂𝗵𝗮𝘆 𝗮𝗻𝗴 𝗟𝘂𝗻𝗴𝘀𝗼𝗱 𝗻𝗴 𝗧𝗮𝘆𝗮𝗯𝗮𝘀!

Share on
Scroll to Top