20 October 2025

Paghahawi ng Tabing sa Panandang Pangkasaysayan ng Basilica ng Tayabas

Sinimulan sa isang banal na pagdiriwang ang makasaysayang okasyon sa pangunguna ng Obispo ng Diyosesis ng Lucena, Lubhang Kagalang-galang Mel Rey M. Uy at mga kaparian ng Tayabas.

Matapos ang banal na misa, natunghayan at napakinggan ang mga mensahe at pagbati buhat sa mga Panauhing Pandanggal, Punong Lungsod ng Tayabas, Kgg. Anthony “Kuya Piwa” A. Lim, Pinuno ng Turismo Panlalawigan, G. Nesler Louies Almagro bilang kinatawan ng Gobernador ng Lalawigan ng Quezon, Direktor Carminda R. Arevalo buhat sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas, at ang Obispo ng Diyosesis ng Lucena, na sila ding nanguna sa paglagda sa kasunduan ng Panandang Pangkasaysayan ng Basilica ng Tayabas na sinaksihan naman ng mga Opisyal ng Pamahalaan Panlungsod at mga panauhin.

Sinundan at nagtapos ang programa sa makasaysayang paghahawi ng tabing at pagbabasbas sa Panandang Pangkasaysayan ng Basilica Menor ni San Miguel Arkangel.

Ang pagtatanghal ng makasaysayang pananda ay isang mahalagang simbolo, isang paalala ng ating pinagmulan, at isang inspirasyon sa mga susunod na henerasyon.

𝙈𝙖𝙗𝙪𝙝𝙖𝙮 𝙖𝙣𝙜 𝙏𝙖𝙮𝙖𝙗𝙖𝙨!
𝘔𝘢𝘣𝘶𝘩𝘢𝘺 𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘯𝘢𝘯𝘢𝘮𝘱𝘢𝘭𝘢𝘵𝘢𝘺𝘢!
𝘈𝘵 𝘮𝘢𝘣𝘶𝘩𝘢𝘺 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘴𝘢𝘺𝘴𝘢𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘗𝘪𝘭𝘪𝘱𝘪𝘯𝘰!

Share on
Scroll to Top