18 September 2025

Tayabas City: Cultural Heritage Tour

โ€œ๐—”โ€™๐—ฎ๐—ต, ๐—ฎ๐—ธ๐—ผโ€™๐˜† ๐—ง๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜€๐—ถ๐—ป ๐—ป๐—ฎ!โ€

Ito ang masayang sambit ng mga estudyante ng ๐—™๐—ถ๐˜€๐—ต๐—ฒ๐—ฟ ๐—ฉ๐—ฎ๐—น๐—น๐—ฒ๐˜† ๐—–๐—ผ๐—น๐—น๐—ฒ๐—ด๐—ฒ mula ๐—ง๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐—ถ๐—ด ๐—–๐—ถ๐˜๐˜† matapos ang kanilang makulay na ๐—–๐˜‚๐—น๐˜๐˜‚๐—ฟ๐—ฎ๐—น ๐—›๐—ฒ๐—ฟ๐—ถ๐˜๐—ฎ๐—ด๐—ฒ ๐—ง๐—ผ๐˜‚๐—ฟ noong Sabado, Setyembre 13, 2025โ€”sa pangunguna ng bathaluman travel and tours katuwang ang Tayabas City Tourism, Culture and the Arts Office.

Alas-otso y medya ng umaga nang bumaba ang ๐˜๐—ฎ๐˜๐—น๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐˜‚๐˜€ na sakay ang 154 mag-aaral sa unang destinasyonโ€”ang Minor Basilica of St. Michael the Archangel, na nagsilbing panimulang hakbang nila sa paglalakbay sa kasaysayan. Mula rito, tumuloy sila sa Mallari Distillery Showroom upang tikman ang tanyag na lambanog, at hindi rin pinalampas ang budin mula sa Calle Budin. Hindi kumpleto ang pagbisita kung hindi matatanaw ang makasaysayang Malagonlong Bridge, na tila ba nagbukas ng pinto sa nakaraan.

Sa gitna ng kanilang tour, isang lecture tungkol sa kulturang Tayabasin at Quezonian ang nagbigay ng mas malalim na pag-unawa sa kanilang karanasan. Dito rin nila personal na naranasan ang ipinagmamalaking Tagayan Ritualโ€”isang simbolo ng pakikipagkapwa at pagtanggap.

Nagtapos ang kanilang paglalakbay sa Tayabas sa isang masarap na tanghalian sa Kamayan sa Palaisdaan. Kanilang natikman ang hardinera at sinugno, tila ba lalo pang nakilala ng mga estudyante ang lasa ng Tayabasโ€”masaya, makulay, at punรด ng kwento.

At bilang pagpapatuloy ng kanilang cultural exploration, nagtungo naman ang grupo sa Lucban, Quezon upang masaksihan at madama rin ang ipinagmamalaking yaman ng karatig-bayan.

Share on
Scroll to Top