GOVERNANCE

MARIA LOURDES “LOVELY” REYNOSO -PONTIOSO

City mayor

MESSAGE

Pagbati!

Malugod ko po kayong inaanyayahan na bisitahin at tingnan ang ating bago at mas komprehensibang Tayabas City Website.

Bilang inyong Punong Lungsod, isa sa mga adhikain ko ay ang “digitalization” ng mga serbisyo ng lokal na pamahalaang lungsod ng Tayabas na ang layunin ay mas pabilisin at mas pagaanin ang mga proseso na tiyak na pakikinabangan ng mga Tayabasin. Isa lamang ang website na ito sa mga makabuluhang digitalization projects ng inyong lingkod. Nawa ang website na ito ay magsilbing tulong sa lahat mukhang malaman ang mga importanteng impormasyon patungkol sa pamahalaang lokal, mga serbisyo at mga programa para sa bayan.

Mahaba pa ang landas na ating tatahakin. Marami pang hamon at pagsubok ang kakaharapin. Ipagpasalamat natin na ginabayan tayo ni Mayor Ernida Agpi Reynoso sa tamang landas. Gamit ang busilak na mga puso sa paglinlingkod at sa atin pong pagtutulungan, titiyakin natin na di tayo maliligaw. Kayo ang aking tanglaw. 

“TULOY ANG ASENSO AT PROGRESO” 

MAYOR LOVELY IN ACTION

Scroll to Top