COMMUNITY BASED MONITORING SYSTEM ROADSHOW. Swak na Datos Para sa Komunidad na Mas Maayos!

  Para higit na maipaalam sa nakararaming sambahayan, naglunsad ang Office of the City Planning and Development Coordinator ng CBMS Roadshow kaninang umaga, August 16, 2022. Inikot ng motorcade ang kahabaan ng mga pangunahing lansangan simula Brgy. Tongko, daang-Pagbilao, daang-Mauban, daang-Lucban at daang-Sariaya upang malaman ng mamamayan na sa Lunes, August 22, 2022 ay simula continue reading : COMMUNITY BASED MONITORING SYSTEM ROADSHOW. Swak na Datos Para sa Komunidad na Mas Maayos!

PAGPAPLANO NG MGA PROYEKTO NG ADMINISTRASYONG GOVERNOR DOKTORA HELEN TAN AT MAYOR ERNIDA AGPI REYNOSO

  Nagpulong ang delegasyon ng Pamahalaang Lungsod ng Tayabas at Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa Tanggapan ng Punong Lalawigan kahapon, Agosto 15, 2022. Isang mabungang pagbabalangkas ng planong may kinalaman sa mga proyektong ipapatupad sa mga susunod na taon ang nabuo sa pagitan ng dalawang kababaihang kapwa matataas na opisyal na pamahalaan. Malugod na tinanggap continue reading : PAGPAPLANO NG MGA PROYEKTO NG ADMINISTRASYONG GOVERNOR DOKTORA HELEN TAN AT MAYOR ERNIDA AGPI REYNOSO

MGA AMAMA AT INANA, NAGPAKANA NG PONSYUNAN UPANG ARAW NG TAYABAS AY IPAGDIWANG

  Hindi pa man Agosto Trese ay nagtipon na ang mga senior citizens para ipagdiwang ang makasaysayang Araw ng Tayabas. May makukulay na kubol at mga katakam-takam na putaheng pagkain na nakahanda ang bawat grupo ng senior citizens sa Silungang Bayan noong araw ng Huwebes, Agosto 11, 2022. Bahagi ito ng patimpalak kung saan hahatulan continue reading : MGA AMAMA AT INANA, NAGPAKANA NG PONSYUNAN UPANG ARAW NG TAYABAS AY IPAGDIWANG

LIMAMPUNG LIBONG PISONG (P50,000) SUBSIDIYA SA BARANGAY ANG NGAYONG UMAGA AY IPINAMIGAY

  August 15, 2022, Casa Communidad Apat (4) na barangay ang ngayon ay tumanggap ng subsidiyang limampung libong piso (P50,000) mula sa Pamahalaang Lokal. Personal na iniabot ni Vice Mayor Lovely Reynoso-Pontioso ang tseke kay Kap. Rudy Cuarto Abelido ng Brgy. Alitao, Kap. Rodante Jaro Lacorte ng Brgy. Angeles Zone-4, Kap. Eric Carillo Sabio ng continue reading : LIMAMPUNG LIBONG PISONG (P50,000) SUBSIDIYA SA BARANGAY ANG NGAYONG UMAGA AY IPINAMIGAY

LIMANG (5) TAYABASING KINAKAPOS SA PANGGASTOS, TINULUNGAN NG PANGTUSTOS

  Limang (5) indibidwal na dumaraan sa kakapusan ng pangtustos sa pambili ng gamot, gatas ng sanggol at pampalibing ng namayapang kamag-anak ang tumanggap ng Aid for Individuals in Crisis Situation (AICS) sa ginawang pay-out ngayong umaga, August 15, 2022. Pinangunahan ni Vice Mayor Lovely Reynoso-Pontioso ang pamimigay ng tulong sa mga kinakapos na kababayan continue reading : LIMANG (5) TAYABASING KINAKAPOS SA PANGGASTOS, TINULUNGAN NG PANGTUSTOS

TATLUMPU’T SIYAM NA TAYABASING KINAKAPOS SA PANGGASTOS, TINULUNGAN NG PANGTUSTOS

  Tatlumpu’t siyam (39) na Tayabasin na dumaraan sa kakapusan ng pangtustos sa pambili ng gamot, gatas ng sanggol at pampalibing sa namayapang kapamilya ang tumanggap ng Aid for Individuals in Crisis Situation (AICS) sa ginawang pay-out ngayong hapon, August 11, 2022. Pinangunahan ni Mayor Ernida Agpi Reynoso kasama si Vice Mayor Lovely Reynoso-Pontioso at continue reading : TATLUMPU’T SIYAM NA TAYABASING KINAKAPOS SA PANGGASTOS, TINULUNGAN NG PANGTUSTOS

SERBISYONG REYNOSO CARAVAN. NASAAN KA MAN, SERBISYO NG LOKAL NA PAMAHALAAN AY MAPAPAKINABANGAN.

  Sa pagpapatuloy ng proyekto ng Administrasyong Reynoso na paglalapit sa mga tao ng serbisyo ng Pamahalaang Lungsod ng Tayabas, muling inatasan ni Mayor Ernida Agpi Reynoso ang pagsasagawa ng Serbisyong Reynoso Caravan sa mga barangay. Isang matagumpay na Serbisyong Reynoso Caravan na pinamahalaan ng Mobile Health and Medical Emergency Response Team o MHMERT ang continue reading : SERBISYONG REYNOSO CARAVAN. NASAAN KA MAN, SERBISYO NG LOKAL NA PAMAHALAAN AY MAPAPAKINABANGAN.

ANIM NA TAYABASIN, NAPILING BIGYAN NG DAGDAG PUHUNAN SA KANILANG TINDAHAN. DTI Livelihood Seeding Program – Awarding of Negosyo Kits

  Anim (6) na Tayabasin ang maswerteng napabilang sa mga benepisyaryo ng DTI LIVELIHOOD SEEDING PROGRAM na naglalayong mabigyan ng panimula o dagdag puhunan sa kanilang maliliit na tindahan. Kabilang sina Shirley Sonas, Mia Cassandra Tabernilla at Osias Lafuente Jr. ng Brgy. Lita; at Edechel Dator, Leonor Malabonga at Roberto Lampas ng Brgy. Tongko sa continue reading : ANIM NA TAYABASIN, NAPILING BIGYAN NG DAGDAG PUHUNAN SA KANILANG TINDAHAN. DTI Livelihood Seeding Program – Awarding of Negosyo Kits

TULONG PANGHANAPBUHAY PARA SA ATING DISPLACED/DISADVANTAGED WORKERS (TUPAD) DOLE SALARY PAYOUT

  Matapos ang sampung (10) araw na pagtatrabaho ay tinanggap na ng isangdaan’t labing-isang (111) TUPAD beneficiaries ang kanilang sweldo sa ginawang salary payout sa Casa Communidad kaninang umaga, August 11, 2022. Pinangunahan ni Vice Mayor Lovely Reynoso-Pontioso ang pamimigay ng sahod na nagkakahalaga ng apat na libong piso (P4000.00) sa mga TUPAD beneficiaries. Nandoon continue reading : TULONG PANGHANAPBUHAY PARA SA ATING DISPLACED/DISADVANTAGED WORKERS (TUPAD) DOLE SALARY PAYOUT