Green Banner Seal of Compliance Awardee ang Lungsod ng Tayabas sa 2023 Calabarzon Regional Nutrition Awarding Ceremony
01
Aug 2023
Green Banner Seal of Compliance Awardee ang Lungsod ng Tayabas sa 2023 Calabarzon Regional Nutrition Awarding Ceremony
Tinanggap ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso ang pang-tatlong sunod-sunod na taon na Green Banner Seal of Compliance Award na nagbigay-daan sa Lungsod ng Tayabas upang mapabilang sa mga Consistent Regional Outstanding Winner on Nutrition (Crown) Contenders.
Kabilang din sa mga tumanggap ng awards sina Marinela Zaporteza-Chong na tinanghal na Finalist sa Regional Outstanding City Nutrition Action Officer Category, Judith Naynes ng Barangay Ibabang Alsam na kabilang sa mga Finalists ng Regional Outstanding Barangay Nutrition Scholar Category at Barangay Dapdap na kinatawan ni Kapitan Mariano Faller, Jr. bilang Finalist sa Regional Outstanding Barangay Nutrition Committee.
Nabigyan naman ng pagkakataon si Mayor Lovely Reynoso-Pontioso na magbahagi ng mensahe at pagbati sa mga kapwa awardees sa 2023 Calabarzon Regional Nutrition Awarding Ceremony ng National Nutrition Council – Calabarzon na ginanap sa Seda Nuvali, Santa Rosa, Laguna ngayong Martes, August 1, 2023.
Ang Calabarzon Regional Nutrition Awards ay naglalayong mabigyan ng pagkilala ang mga sangay ng pamahalaan at nutrition workers na nagpakita ng outstanding performance sa pagpapatupad ng mga nutrition programs alinsunod sa Philippine Plan of Action for Nutrition (PPAN) 2017-2022.