Awards and Recognitions

Nation Builders and Mosliv Awards: Be Earth-wise. Patience beyond Power, Vigilance and Leadership.CITY GOVERNMENT OF TAYABAS: CERTIFIED MOST SUSTAINABLE AND LIVEABLE CITY.
2023

Nation Builders and Mosliv Awards: Be Earth-wise. Patience beyond Power, Vigilance and Leadership.CITY GOVERNMENT OF TAYABAS: CERTIFIED MOST SUSTAINABLE AND LIVEABLE CITY.

PATULOY ANG PAGSASAKATUPARAN NG PAGIGING SUSTAINABLE AT LIVEABLE NG LUNGSOD NG TAYABAS.

Nation Builders and Mosliv Awards: Be Earth-wise. Patience beyond Power, Vigilance and Leadership.
CITY GOVERNMENT OF TAYABAS: CERTIFIED MOST SUSTAINABLE AND LIVEABLE CITY.

Para sa lahat ng Tayabasin, nawa ang award na ito ay magsilbing dagdag na dahilan para ipagmalaki natin na “Ako ay Tayabasin…yanung iging maging Tayabasin!”
Nagsimulang kinilala ang Lungsod ng Tayabas bilang Most Sustainable and Liveable City sa panahon ng panunungkulan ng yumaong Mayor Ernida Agpi Reynoso. At sa kasalukuyang pamumuno ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso muIi itong iginawad sa Tayabas sa ginanap na 2023 Mosliv Awards ng Sustainability Standards, Inc.

Noong 2021, buong pagmamalaking tinanggap ni Mayor Ernida Reynoso ang parangal na inialay niya sa sambayanang Tayabasin bunsod ng mahusay at epektibong pagsusulong ng Good Health and Well-Being, Covid-19 Response, Proper Waste Disposal and Segregation, Disaster Preparedness, Public Infrastructure and Service Connectivity, Public Protection and Safety, Green Innovation and Infrastructure, Partnership for Goals, Clean Water and Sanitation, River Clean Up, Decent Work and Economic Growth, Reduced Inequalities, Most Equitable Use of Land and Resources, Risk Reduction and Resiliency Management, Responsible Consumption and Production, Climate Action at Sustainable Communities.

Ngayong 2023, pinatunayan ng Lungsod ng Tayabas ang pagiging “sustainable at liveable” nang muling kilalalanin dahil sa patuloy na pagpupursigi na matamasa ng mamamayang Tayabasin ang Reduced Inequalities, Clean Water and Sanitation, Decent Work and Economic Growth, Good Health and Well-Being, Peace, Justice and Strong Institutions.

Handog ng Administrasyong Reynoso sa mamamayang Tayabasin sa buong mundo ang tatak ng “Serbisyong Reynoso.”
Batid ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso na malaking hamon sa kanyang pamumuno ang patuloy na pagpapayabong ng mga legasiyang iniwan ng yumaong Mayor Ernida Reynoso. At buong pagmamalaki niyang inihaharap sa lahat ng Tayabasin ang pagkilala bilang Most Sustainable and Liveable City ng Lungsod ng Tayabas na isa sa mga patunay na napapagtagumpayan niya ang hamon na ito.

At muli, para sa lahat ng Tayabasin, nawa ang award na ito ay magsilbing dagdag na dahilan para ipagmalaki natin na “Ako ay Tayabasin…yanung iging maging Tayabasin!”

SHARE ON
Scroll to Top