GAD Benchmarking Activities Ng Naujan, Oriental Mindoro GFPS sa Lungsod ng Tayabas, Matagumpay na Naisagawa
Pinangunahan ni Oriental Mindoro Provincial GAD Officer Aira Mae de Torres ang delegasyon ng mga opisyal ng Naujan na nagtungo sa New Tayabas City Hall upang magsagawa ng GAD Benchmarking activities kahapon, August 3, 2023.
Apatnapung (40) miyembro ng GAD Focal Point System (GFPS) ng LGU Naujan ang malugod na tinanggap ng mga tauhan ng GAD Office sa Training Room ng City Hall kung saan nagkaroon ng video presentation on GAD Best Practices ng Lungsod ng Tayabas.
Matapos ang classroom discussion ay ginabayan ni Tayabas City GFPS TWG Focal Person Maide Obdianela Jader ang mga panauhin sa pagbisita sa mga tanggapan at pasilidad ng bagong city hall.
Bagama’t hindi personal na nakaharap ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso ang mga bisita dahil sa sunod-sunod na okasyon na kanyang dinadaluhan ay nagpahayon siya ng mainit na pagtanggap at pagbati sa pamamagitan ng kanyang kinatawan.