Pagpupulong sa pagitan ng Rural Pathways Social Cooperative at Lokal na Pamahalaan ng Tayabas
Handang tumulong ang Rural Pathways Social Cooperative para higit na mapalakas at mapaunlad ang samahan ng magniniyog sa Lungsod ng Tayabas.
Nakipagpulong kay Mayor Lovely Reynoso-Pontioso si Rural Pathways Director General Kim Inho upang ilatag ang mga detalye kaugnay ng programang tutulong sa Tayabas Coconut Producer’s Association katuwang ang National Confederation of Cooperatives o NATCCO.
Kasamang humarap sa pulong na naganap sa OCM-Conference Room kahapon, August 3, 2023 sina City College of Tayabas Administrator Dr. Melo Placino, Engr. Moises Macalinao ng SLSU, AT Abner Zubieta bilang kinatawan ni City Agriculturist Rommel Abuyan at mga kinatawan ng mga Civil Society Organizations.