Pagtatala ng Kapanganakan

FRONTLINE SERVICE: Pagtatala ng Kapanganakan

DOCUMENTS NEEDED: 

REQUIREMENTLEGAL BASIS

Mga kailangang dokumento para sa pagpaparehistro ng batang lehitimo:

timely:sa mga kapanganakang irerehistro sa nalolooban at di lalampas ng 30 araw matapos ipanganak ang bata.

– Certified Copy or PSA Copy ng marriage contract ng magulang

– Certificate of Live Birth (Form 102) kailangang may kalakip na
interview form at lagda ng nagpaanak

– Valid ID ng alinman sa magulang na magpaparehistro

Delayed: sa mga kapanganakang hindi nairehistro matapos ang 30 araw mula ng ang bata ay maipanganak:

– Certified Copy or PSA Copy ng marriage contract ng magulang

– Certificate of Live Birth (Form 102), kailangang may kalakip na
Interview form at lagda ng nagpaanak,

– Under five record mula sa Health Center o medical record ng bata

– Sertipikasyon mula sa Barangay kung saan ipinanganak ang bata para sa Delayed Registration

– Valid ID at sedula ng alinman sa magulang na magpaparehistro

Mga kailangang dokumento para sa pagpaparehistro ng batang hindi lehitimo o hindi kasal ang magulang:

R.A 9255 – para sa mga batang ipinaganak na hindi kasal ang mga magulang. Ang batas na ito ay nagpapahintulot sa mga hindi lihitimong anak (illegitimate children) na gamitin ang apelyido ng ama, kung ang naturang bata ay kinilala ng ama sa pamamagitan ng paglagda sa AFFIDAVIT OF ACKNOWLEDGEMENT/ADMISSION OF PATERNITY sa likod ng Birth Certificate at paglagda ng ina sa AFFIDAVIT TO USE THE SURNAME OF THE FATHER.

Timely: sa mga kapanganakang irerehistro sa nalolooban at di lalampas ng 30 araw matapos ipanganak ang bata.

– Sertipiko ng Kapanganakan (Certificate of Live Birth o Form 102), ito ay kailangang may kalakip na interview form at lagda ng nagpaanak,

– Valid ID at sedula ng ama at ina

*Kailangang personal na magpunta ang mga magulang ng bata sa tanggapan para sa paglagda sa AUSF at AFFIDAVIT OF ACKNOWLEDGEMENT/ADMISSION OF PATERNITY/MATERNITY sa likod ng Birth Certificate.

– Affidavit to Use the Surname of the Father (AUSF)

Delayed: sa mga kapanganakang hindi nairehistro matapos ang 30 araw mula ng ang bata ay maipanganak:

– Sertipiko ng Kapanganakan (Certificate of Live Birth o Form 102), ito ay kailangang may kalakip na interview form at lagda ng nagpaanak,

– Under five record mula sa Health Center o medical record ng bata,

– Sertipiko mula sa Barangay kung saan ipinanganak

– Valid ID at sedula ng ama at ina (para sa RA9255),

*Kailangang personal na magpunta ang mga magulang ng bata sa tanggapan para sa paglagda sa AUSF at AFFIDAVIT OF ACKNOWLEDGEMENT/ADMISSION OF PATERNITY/MATERNITY sa likod ng Birth Certificate.

– Affidavit to Use the Surname of the Father (AUSF)

Father unknown – para sa mga batang ipinanganak na hindi kinilala ng ama.

Timely: sa mga kapanganakang irerehistro sa nalolooban at di lalampas ng 30 araw matapos ipanganak ang bata.

– Sertipiko ng Kapanganakan (Certificate of Live Birth o Form 102), ito ay kailangang may kalakip na interview form at lagda ng nagpaanak,

– Valid ID at sedula ng ina

Delayed: sa mga kapanganakang hindi nairehistro matapos ang 30 araw mula ng ang bata ay maipanganak:

– Sertipiko ng Kapanganakan (Certificate of Live Birth o Form 102), ito ay kailangang may kalakip na interview form at lagda ng nagpaanak,

– Under five record mula sa Health Center o medical record ng bata,

– Sertipiko mula sa Barangay kung saan ipinanganak

– Valid ID at sedula ng ina

Karagdagang dokumento para sa mga batang ipaparehistro na may edad na 1 hanggang 6 na taong gulang:

– Negative Result mula sa PSA (Philippine Statistics Authority)

– Affidavit ng dalawang tao na magpapatunay sa kapanganakan ng bata

Karagdagang dokumento para sa mga batang ipaparehistro na may edad 7 taong gulang pataas:

*Dalawang permanenteng dokumento alinman sa mga sumusunod:

– Record ng bata mula sa eskwelahan (Form 137)

– Voter’s Registration Record

– Baptismal Certificate

– Marriage Contract (kung ang aplikante ay naikasal na)

R.A 7160
(Local government Code)R.A 9485
(Anti-red Tape Act)

R.A 3753
(Civil Registration Law)

AO No.1 s.1993
(IRR-3753)

Exec. Order No. 209
(Family Code)

RA 9255

 


HOW TO AVAIL OF THE SERVICE:

CLIENT STEPS/PROCEDURES AS INDICATED IN THE CITIZEN’S CHARTERLEGAL BASISTOTAL PROCESSING TIMETOTAL FEES TO BE PAID

– Tutungo ang kliyente sa Clientele Assistance Desk dala ang mga kaukulang requirements sa pagpaparehistro ng kapanganakan

– Assessment ng mga requirements. Ang kliyente ay bibigyan ng color coded number card kalakip ang Clientele feedback form

– Isusulat ng kliyente ang kanyang mga impormasyon sa left lower box ng Clientele Assistance Form (Pangalan, Address at Contact Number).

– Tatawagin ang numero ng kliyente at ibibigay sa nakatalagang empleyado ang lahat ng kailangang dokumento, na current year issue kalakip ang filled -out clientele feedback form.

– Verification ng impormasyong ibinigay ng nagpaanak.

– I-encode ang mga kaukulang impormasyon sa Form 102 habang nirereview ng kliyente ang mga impormasyon sa nakaharap na monitor na nasa labas ng window.

– Ikukumpirma ng kliyente ang lahat ng datos kung ito ay tama.

– Magpiprint ng isang (1) kopya upang mabasa at marepaso ng kliyente ang mga datos. Kung may mali sa datos na naiencode, sasabihin niya ito sa empleyado upang maverify at baguhin. Ibabalik ng kliyente ang initial print out sa empleyado.

– Magbayad sa Payment window ng CCR Office para sa itinalagang bayarin.

– Maghihintay ang kliyente habang ang iba pang mga dokumento ay inihahanda.

– Ipapakita ng kliyente ang kanyang claim slip at lalagda sa logbook sa releasing section

– Ang mga dokumentong ini- request ay maari ng makuha.

Paalala:

 

  • Para sa delayed registration, sampung (10) araw ang ipaghihintay para sa posting period nito maliban sa araw ng pagtanggap at pagrelease ng dokumento.

 

  • Kung hindi maproproseso ang dokumentong hinihingi ng kliyente sa itinakdang panahon, ang Clientele assistance form ay magsasaad ng dahilan kung bakit hindi maproseso ang dokumento at ang mga posibleng solusyon at rekomendasyon upang matapos ang pagproseso ng dokumento. Gayundin, ito ay magsisilbing feedback at evaluation form para sa tanggapan.

– Ihahanda ang AUSF

– Lalagdaan ang AUSF

RA 9485(Anti-Red Tape Act)

Manual of Instructions

 

5 minuto

5-10 minuto

16-22 minuto

3 minuto

10-15 minuto

2 minuto

3 minuto

P50.00 (Legitimate)

P150.00 (karagdagang bayarin para sa late registration)

P200.00 (RA 9255

P150.00 (karagdagang bayarin para sa late registration)

P50.00

P150.00 (karagdagang bayarin para sa late registration)

END OF TRANSACTION

NEED ANY HELP?

Here you can get your perfect answer for your problem

Scroll to Top