
13
Mar 2025
Health
DEWORMING ACTIVITY NG MGA BATANG MAG-AARAL, ISINAGAWA SA MGA PILING PAARALAN

Naging matagumpay ang isinagawang deworming activity sa mga mag-aaral ng Tayabas East Central School at Tayabas West Central School III ngayong Huwebes, March 13, 2025. Umabot sa dalwanlibo limandaang (2,500) anthelmintic tablets ang naipamigay at ipinainum sa mga bata.
Namahala sa deworming activity si Schools Division of Tayabas-Health and Nutrition Section Nurse Alelie A. Padillo at CNAO/Nutrition Officer Marinela Z. Chong.
Nagsagawa rin ng information campaign si Disease Surveillance Officer Jeanette Salvaña tungkol sa HMFD o Hand Mouth and Foot Disease na kumakalat sa mga batang mag-aaral. Ayun sa kanya ay may mataas na kaso ng HMFD sa Lungsod ng Tayabas kaya patuloy na pinag-iingat ang mga bata sa sakit na ito.
Lubos naman ang pasasalamat ng mga guro sa Lokal na Pamahalaan at kay Mayor Lovely Reynoso-Pontioso sa patuloy na suporta sa tamang kalusugan ng mga mag-aaral.

