21
Mar 2024
Events
Health
News
TINGNAN || MOBILE HEALTH AND DENTAL SERVICES SA AETA COMMUNITY SA BARANGAY TONGKO.
TINGNAN || MOBILE HEALTH AND DENTAL SERVICES SA AETA COMMUNITY SA BARANGAY TONGKO.
Libreng konsultasyon, laboratory at dental services sa mga bata at matatandang miyembro ng Aeta Community sa Sitio Tribu, Barangay Tongko, ang hatid ng OCM-MHMERT ngayong Huwebes, March 21, 2024.
Kahit umuulan ay nagpatuloy ang mga kawani at volunteer ng Mobile Health and Dental Services sa pamumuno ni OCM-MHMERT Leader/Assistant City Health Officer Dr. Ma. Graciela Derada-De Leon sa pagbibigay ng pangangalagang pangakalusugan sa mga katutubo kagaya ng medical consultation, ECG, X-ray, bunot at paglilinis ng ngipin, at iba pa.
Maging si Mayor Lovely Reynoso-Pontioso ay nagtungo sa lugar para makadaupang-palad ang mga kapatid na aeta kung saan nagbigay siya ng ilang regalo doon.