29
Feb 2024
TINGNAN || SERBISYONG REYNOSO MOBILE HEALTH SERVICES SA MGA TAGA-ANGUSTIAS.
Maagang nag-set-up ang Office of the City Mayor-Mobile Health and Medical Emergency Response Team (OCM-MHMERT) sa Angustias Zone-IV Barangay Hall ngayong Huwebes, February 29, 2024 para paglingkuran ang mga residente ng Angustias Zone-IV at mga karatig-barangay.
Kagaya ng palaging pangako ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso, “sa Lungsod ng Tayabas ang pag-aalaga sa kalusugan ng mga Tayabasin ay patuloy na nasa puso natin.” At ang Mobile Health Services ay patunay ng pagpapahalaga sa kalusugan nating lahat.
Ang Serbisyong Reynoso Mobile Health Services ay kinapapalooban ng mga libreng serbisyo na sadyang inilapit para sa lahat ng nangangailangan kagaya ng Health Consultation, Laboratory and Diagnostic Services, Ultrasound, ECG at X-ray. Katuwang din ang mga Barangay Health Workers at Sangguniang Barangay sa pamumuno ni Barangay Chairman Mario Durante.
Ang OCM-MHMERT ay pinamumunuan ni Assistant City Health Officer Dr. Ma. Graciela Derada-De Leon.
Related Articles
Popular Category
Recent Posts
- Health|
- 13 hours ago
TINGNAN || 300 PACKS OF RELIEF GOODS, NATANGGAP...
- Health|
- 13 hours ago
TINGNAN || INDIGENOUS PEOPLES’ GAMES 2024
- Health|
- 2 days ago