20th NATIONAL ORAL HEALTH MONTH: “Chikiting Sagipin Unang Ngipin.”

20th NATIONAL ORAL HEALTH MONTH: “Chikiting Sagipin Unang Ngipin.”
01 Feb 2024

Events

Health

News

20th NATIONAL ORAL HEALTH MONTH: “Chikiting Sagipin Unang Ngipin.”

Feb. 1, 2024
 
20th NATIONAL ORAL HEALTH MONTH: “Chikiting Sagipin Unang Ngipin.”
Nakiisa si Mayor Lovely Reynoso-Pontioso sa Kick-off Ceremony ng 20th National Dental Health Month na pinangunahan ng mga kawani ng City Health Office-Dental Section ngayong Huwebes, February 1, 2024, sa Silungang Bayan ng Tayabas.
 
“Itong mga batang ito ang pinagbubuhusan natin ng lakas para magtrabaho araw-araw. Bilang Punong Lungsod ay gusto po natin na ang mga batang ito ay lumaki ng malusog, maligaya, matatag at mabubuting mamayan ng Lungsod ng Tayabas.”
 
Ito ang mga katagang sinambit ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso patungkol sa mga bata mula sa iba’t-ibang Day-care Center sa Lungsod Tayabas na dumalo sa seremonya kung saan sila ang nilalaman ng tema ng pagdiriwang ngayong taon na “Chikiting Sagipin Unang Ngipin.”
 
Dumalo sa programa sina GDAQ President Dr. Conrado Dael, QPDC President Dr. Cindy Hermogenes, PHO-I Dr. Lorelie G. Salonga, PHO-II Dr. Kristine Mae-Jane M. Villaseñor, Dr. GB Gabatin at Dr. Olga Muñoz.
ctto – CICRO Tayabas
SHARE ON
Scroll to Top