19
Mar 2024
Events
Health
News
TINGNAN || BUNTIS CONGRESS, DINALUHAN NG 320 PREGNANT WOMEN-BENEFICIARIES NG TAYABAS FIRST 1000 DAYS OF LIFE PROGRAM.
TINGNAN || BUNTIS CONGRESS, DINALUHAN NG 320 PREGNANT WOMEN-BENEFICIARIES NG TAYABAS FIRST 1000 DAYS OF LIFE PROGRAM.
“Dito sa Lungsod ng Tayabas ay yanong iging maging buntis, yanong iging manganak at yanong igi pagkaanak at talaga pong inaalagaan natin. Dahil bawat ina ay reyna, bawat bata ay mahalaga, kaya sa Serbisyong Reynoso Makakaasa ka.” Ito ang pambungad na mensahe ni Mayor Lovely Reynso-Pontioso sa mga dumalong buntis sa Buntis Congress.
Personal na nakipagdaupang-palad si Mayor Lovely Reynoso-Pontioso sa tatlondaan dalwampung (320) Tayabasing buntis na dumalo sa Buntis Congress sa Silungang Barayan ng Tayabas ngayong Martes, March 19, 2024.
Namahagi din ang alkalde ng mga Buntis kits at supplements para sa mga unang beses pa lamang na nagdadalantao para sa ikagaganda ng kalusugan nina mommy at baby.
Dinaluhan din ang Buntis Congress nina City Health Officer Dr. Hernando Marquez at BHS Supervisor Malou Villanueva na sya ding nagpaliwanag ng kahalagahan ng pagbubunts at paano magiging malusog si baby habang sila nagbubuntis.
Ang mga dumalong pregnant women ay pawang benepisyaryo ng Tayabas First 1000 Days of Life Program.