02
Apr 2024
Health
News
TINGNAN || SITIO PULONG IPOT, BARANGAY LITA, PINUNTAHAN NG SERBISYONG REYNOSO CARAVAN, PARA IPAABOT ANG IBA’T-IBANG URI NG SERBISYO SA MAMAMAYAN.
TINGNAN || SITIO PULONG IPOT, BARANGAY LITA, PINUNTAHAN NG SERBISYONG REYNOSO CARAVAN, PARA IPAABOT ANG IBA’T-IBANG URI NG SERBISYO SA MAMAMAYAN.
Lubos ang pasasalamat ng mga residente ng Sitio Pulong Ipot sa Barangay Lita sa pagsasagawa ng Serbisyong Reynoso Caravan sa kanilang lugar para sa libreng serbisyong pangkalusugan at iba’t-iba pang social services ng pamahalaang lokal.
Pinamunuan ng Office of the City Mayor-Mobile Health and Medical Emergency Response Team (OCM-MHMERT) ang Serbsiyong Reynoso Caravan para maghatid ng libreng serbisyo kagaya ng konsulta, ECG, X-ray, iba’t-ibang uri ng laboratory at diagnostic and dental services. Nandoon din ang mga kawani ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO), City Agriculture Office Office of the City Library at City Veterinary Office para magsagawa ng offsite services.
Nanguna sa caravan si OCM-MHMERT Team Leader and Assistant City Health Officer, Dr. Ma. Graciela Derada-De Leon, sa paghahatid ng iba’t-ibang serbisyo ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas ngayong Martes, April 2, 2024.
Nagsisilbing panuntunan sa paglilingkod ng Serbisyong Reynoso caravan ang palaging pangako ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso na “Sa Lungsod ng Tayabas ang pag-aalaga sa kalusugan ng mga Tayabasin ay patuloy na nasa puso natin. At ang Serbisyong Reynoso Caravan ay patunay ng pagpapahalaga sa kalusugan nating lahat.”