28
Feb 2024
Health
News
TINGNAN || MGA RESIDENTE NG TALOLONG AT MGA KARATIG-BARANGAY, NAKINABANG SA IBA’T-IBANG SERBISYO HATID NG SERBISYONG REYNOSO CARAVAN.
TINGNAN || MGA RESIDENTE NG TALOLONG AT MGA KARATIG-BARANGAY, NAKINABANG SA IBA’T-IBANG SERBISYO HATID NG SERBISYONG REYNOSO CARAVAN.
Kagaya ng palaging pangako ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso, “sa Lungsod ng Tayabas ang pag-aalaga sa kalusugan ng mga Tayabasin ay patuloy na nasa puso natin.” At ang Serbisyong Reynoso Caravan ay patunay ng pagpapahalaga sa kalusugan nating lahat.
Sa pagpapatuloy ng paglalapit ng serbisyo sa mamamayan ay muling nagsagawa ang OCM-MHMERT, katuwang ang iba’t-ibang tanggapan ng lokal na pamahalaan ng Serbisyong Reynoso Caravan sa Barangay Talolong ngayong Martes, February 27, 2024.
Pinamunuan ni Office of the City Mayor-Mobile Health and Medical Emergency Response Team (OCM-MHMERT) Leader and Assistant City Health Officer, Dr. Ma. Graciela Derada-De Leon, ang paghahatid ng iba’t-ibang serbisyo ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas sa pamamagitan ng Serbisyong Reynoso Caravan sa Barangay Hall ng Talolong upang mailapit at hindi na mahirapan ang mga naninirahan sa nasabing komunidad para magpakonsulta, ECG, X-ray, iba’t-ibang uri ng laboratory, diagnostic and dental services.
Sa Barangay Talolong din nagsagawa ng offsite services ang mga tanggapan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO), City Civil Registry Office (CCRO) at Office of the City Library.