26
Mar 2024
TINGNAN || SERBISYONG REYNOSO CARAVAN SA BARANGAY IBABANG BUKAL.
Nakinabang sa mga libreng serbisyong pangkalusugan ang mga residente ng Barangay Ibabang Bukal sa isinagawang Serbisyong Reynoso Caravan doon ngayong Martes, March 26, 2024.
Nagsagawa ng medical consultation, ECG, X-ray, iba’t-ibang uri ng laboratory services, at diagnostic and dental services ang mga tauhan ng OCM-MHMERT. Samantalang nagsagawa ng offsite services ang mga tanggapan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO), City Civil Registry Office (CCRO), Office of the City Library at City Veterinary Office, City Agriculture Office at City Environment and Natural Resources Office.
Kagaya ng palaging pangako ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso, “sa Lungsod ng Tayabas ang pag-aalaga sa kalusugan ng mga Tayabasin ay patuloy na nasa puso natin.” At ang Serbisyong Reynoso Caravan ay patunay ng pagpapahalaga sa kalusugan ng lahat.
Pinamunuan ng Office of the City Mayor-Mobile Health and Medical Emergency Response Team (OCM-MHMERT) ang paghahatid ng iba’t-ibang serbisyo ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas sa pamamagitan ng Serbisyong Reynoso Caravan sa Basketball Court ng Ibabang Bukal upang mailapit at hindi na mahirapan ang mga naninirahan sa nasabing komunidad.
Related Articles
Popular Category
Recent Posts
- Health|
- 13 hours ago
TINGNAN || 300 PACKS OF RELIEF GOODS, NATANGGAP...
- Health|
- 13 hours ago
TINGNAN || INDIGENOUS PEOPLES’ GAMES 2024
- Health|
- 2 days ago