ALAM ‘NYO BA NA MAS MAINAM MAGBAYAD NG CEDULA SA BARANGAY KUNG SAAN KAYO NAKATIRA?

ALAM ‘NYO BA NA MAS MAINAM MAGBAYAD NG CEDULA SA BARANGAY KUNG SAAN KAYO NAKATIRA?
03 Jan 2024

News

ALAM ‘NYO BA NA MAS MAINAM MAGBAYAD NG CEDULA SA BARANGAY KUNG SAAN KAYO NAKATIRA?

ALAM ‘NYO BA NA MAS MAINAM MAGBAYAD NG CEDULA SA BARANGAY KUNG SAAN KAYO NAKATIRA?
 
Kapag sa inyong barangay kayo kukuha ng bagong cedula ngayong 2024, kalahati o 50% ng inyong ibinayad ay napupunta sa pondo ng inyong barangay. Makatutulong ito para makalikom ng pondo para may pangtustos sa mga proyekto ang inyong Sangguniang Barangay.
 
Samantalang, kung sa City Treasurer’s Office sa New Tayabas City Hall kayo kukuha ng cedula, walang kaparte sa inyong ibinayad ang mapupunta sa inyong barangay.
 
Kaya alamin sa inyong Barangay Treasurer kung available na ba ang cedula para doon na lamang kayo kumuha. Wala nang mahabang pila, may pondo pang papasok sa inyong barangay.
SHARE ON
Scroll to Top