HULI PERO HINDI DAHIL SA VIOLATION! CHRISTMAS GIFT HINDI TICKET!

HULI PERO HINDI DAHIL SA VIOLATION! CHRISTMAS GIFT HINDI TICKET!
19 Dec 2023

News

HULI PERO HINDI DAHIL SA VIOLATION! CHRISTMAS GIFT HINDI TICKET!

TINGAN | HULI PERO HINDI DAHIL SA VIOLATION! CHRISTMAS GIFT HINDI TICKET!
 
Bigas at Noche Buena package ang natanggap ng mga maswerteng tricycle drivers na pinara ng mga traffic enforcers matapos mahuling kumpleto ang mga dokumento ng sasakyan at may valid na prangkisa.
 
Naglatag ng biglaang operation ang mga tauhan ng Tayabas City Traffic Operations Section sa lugar malapit sa common terminal ng mga tricycle sa Public Market ngayong umaga ng Martes, December 19, 2023 hindi upang mansita ng mga traffic violators kung hindi upang mamigay ng regalo sa mga mababait na tricycle drivers na kumpleto ang dokumento ng sasakyan at may prangkisa.
 
Mismong si Mayor Lovely Reynoso-Pontioso ang nanguna na pamimigay ng grocery packs sa mga nahuling motorista biglang reward sa pagiging responsable at upang maiparamdam ang diwa ng Pasko sa mga nagsisilbing pangunahing mode of transportation ng mga Tayabasin.
SHARE ON
Scroll to Top