CASH INCENTIVES BUHAT SA PAMAHALAANG LOKAL NG LUNGSOD NG TAYABAS, NATANGGAP NG LABINWALONG (18) KABATAANG ATLETANG TAYABASIN NA NAG-UWI NG MEDALYA SA IBA’T-IBANG URI NG KUMPETISYON.

CASH INCENTIVES BUHAT SA PAMAHALAANG LOKAL NG LUNGSOD NG TAYABAS, NATANGGAP NG LABINWALONG (18) KABATAANG ATLETANG TAYABASIN NA NAG-UWI NG MEDALYA SA IBA’T-IBANG URI NG KUMPETISYON.
27 Dec 2023

Events

News

CASH INCENTIVES BUHAT SA PAMAHALAANG LOKAL NG LUNGSOD NG TAYABAS, NATANGGAP NG LABINWALONG (18) KABATAANG ATLETANG TAYABASIN NA NAG-UWI NG MEDALYA SA IBA’T-IBANG URI NG KUMPETISYON.

TINGNAN || CASH INCENTIVES BUHAT SA PAMAHALAANG LOKAL NG LUNGSOD NG TAYABAS, NATANGGAP NG LABINWALONG (18) KABATAANG ATLETANG TAYABASIN NA NAG-UWI NG MEDALYA SA IBA’T-IBANG URI NG KUMPETISYON.
 
Pinarangalan at binigyan ng gantimpalang cash ang mga Kabataang atletang Tayabasin na nag-uwi ng karangalan buhat sa mga nilahukang regional at national sports competition noong December 4, 2023.
 
Dalawang atleta ang tumanggap ng Twenty-five Thousand Pesos (P25,000) dahil sa pagkakapanalo ng gold sa regional, at silver sa national games, nina Mae Ashley Villaverde at Samantha Trershyl Quinsanos.
 
Twenty Thousand Pesos (P20,000) naman ang cash incentives nina Aaliyah Kaye Julao, Alaisa Mae Zagala at Pierce Aldwin Co na pawang nanalo ng gold sa regional at bronze medals sa national games.
 
May tinanggap naman na Ten Thousand Pesos (P10,000) sina Gerand Alexander Absulio, Iralene Valderamos, Simone Josh Francis at Jannah Marie Borongan bilang gantimpala sa pag-uuwi ng gold medals buhat sa sinalihang regional sports competition.
 
Tig-walong libong piso (P8,000) ang bawat isang nag-uwi ng silver medals buhat sa regional competition na sina Kiel Vinn De Los Reyes, Melca Labordo, Ren Zedrick Baracael at Junmack Lander De Ocampo. Samantalang may limang libong pisong (P5,000) cash incentives ang mga bronze medalists sa regional games na sina Eyre Eunice Hangad, Jay Angelo Liscano, Jeanly Llorin, Miguel Solomon De Ocampo at Alisa Vito.
 
Mismong si Mayor Lovely Reynoso-Pontioso at Sport Development Officer Sarah Zagala ang nag-abot ng mga gantimpala sa labinwalong (18) medalists na atletang Tayabasin.
 
Sa mensahe ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso ay pinuri niya ang mga atleta dahil sa karangalang iniuwi sa ating Lungsod at pinasalamatan niya ang Sports Development Office dahil sa tuloy-tuloy na programa sa pagsasanay ng mga batang atleta na nagresulta sa pag-uuwi ng mga medalya. Ayun naman kay SDO Sarah Zagala ay patuloy nilang ipinapatupad ang mga sports development program ayun sa atas at patnubay ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso.
SHARE ON
Scroll to Top