MONDAY FLAG RAISING CEREMONY

MONDAY FLAG RAISING CEREMONY
18 Mar 2024

News

MONDAY FLAG RAISING CEREMONY

MONDAY FLAG RAISING CEREMONY
Atrium, New Tayabas City Hall
March 18, 2024.
 
Pinangunahan ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso ang mga opisyal at kawani ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas sa pagdalo ng seremonya ng pagtataas ng bandila na pinamunuan ng Tayabas Component City PNP. Samantalang si Msgr. Dennis Imperial ang namuno sa pangkalahatang panalangin katulong sina Pastor Ronnie Sumbrero at Pastor Jun.
 
Sa pangalawang bahagi ay inanunsyo ni DRMM Officer Rosario P. Bandelaria na sa March 25, 2024 ay muling magsasagawa ng First Quarter National Simultaneous Earthquake Drill sa ganap na 9:00am.
 
Nagsara ang palatuntunan sa maikling mensahe ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso na “ipagpatuloy po natin ang antas ng paglilingkod sa ating pamahalaan at talaga pong tuloy-tuloy naman ang asenso at progreso ng Lungsod ng Tayabas. Sa atin pong lahat muli ang pasasalamat ni Mayor Lovely sa magandang serbisyong ibinibigay natin at ipagpatuloy po natin ito. Maglingkod tayo na may ngiti sa ating mga labi at pagmamahal sa ating mga puso at ang mensahe ngayon ng pagpapatawad sa ating kapwa.”
SHARE ON
Scroll to Top