MONDAY FLAG RAISING CEREMONY

MONDAY FLAG RAISING CEREMONY
11 Mar 2024

News

MONDAY FLAG RAISING CEREMONY

MONDAY FLAG RAISING CEREMONY
Atrium, New Tayabas City Hall
March 11, 2024.
 
Pinangunahan ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso ang mga opisyal at kawani ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas sa pagdalo ng seremonya ng pagtataas ng bandila na pinamunuan ng Tayabas City Police Station. Samantalang si Sister Aida Pangilinan, MCST ang namuno sa pangkalahatang panalangin katulong sina Pastor Ronnie Sumbrero, at Pastor Joe Byron Tacliad.
 
Sa pangalawang bahagi ay binigyang daan ang pagpapakilala sa siyam ( 9 ) na promoted at limang ( 5 ) bagong talagang kawani ng Lokal na Pamahalaan Lungsod ng Tayabas. Gayundin ang pagpapakilala sa mga bagong Officers ng PNP Force Multipliers.
 
Nagsara ang palatuntunan sa maikling mensahe ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso na nagpapalala sa mga kawani ng bawat departamento na palaging dumalo sa Flag Raising Ceremony. Binati din niya ang mga napromote at mga bagong kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Tayabas.
SHARE ON
Scroll to Top