FLAG RAISING CEREMONY

FLAG RAISING CEREMONY
04 Dec 2023

Events

News

FLAG RAISING CEREMONY

FLAG RAISING CEREMONY
December 4, 2023
New Tayabas City Hall Building, Barangay Baguio.
 
Isinagawa ang Flag Raising Ceremony para sa unang Lunes sa buwan ng Disyembre 2023, na pinangunahan ng City Assessor’s Office sa New Tayabas City Hall sa Barangay Baguio ngayong umaga.
 
Dumalo sa seremonya si Mayor Lovely Reynoso-Pontioso kasama ang mga Konsehal na sina Elsa Rubio, Carmelo Cabarrubias at SKF Pres. Miguel Obdianela. Samantalang si Rev. Fr. Roy Macatangay ang isa sa mga namuno sa pagkalahatang panalangin katulong si Pastor Jun at Pastor Ronnie Sombrero.
 
Sa pangalawang bahagi ay ipinakilala ng PRAISE Committee sa pamamagitan ng Human Resource Management Office sa pangunguna ni HRMO Mary Jane Z. Calupig ang mga kawani na matagal na naglilingkod sa pamahalaan. Tumanggap ng P10,000 cash incentive at commemorative wrist watch ang apat ( 4 ) na kawani na 10 years in service. Samantalang Silver LGU Engraved Ring at P5,000 cash incentive naman sa dalawang ( 2 ) kawani na tumagal na ng 20 Years in Service, at Gold LGU Engraved Ring plus P5,000 cash para sa isang ( 1 ) kawani na 30 years in service.
 
Binigyan ng pagkilala naman ng Quezon Police Provincial Office (QPPO) si City Election Officer Rhodora R. Gonzales dahil sa successful conduct of security operations for the Barangay and Sangguniang Kabataan Elections 2023 (BSKE 2023).
 
Pinangunahan ng Sports Development Office ang pagbibigay ng Sertipiko ng Pagkilala ang mga bata at coach at mentor mula sa Luis Palad Integrated High School na nagkamit ng mga parangal sa iba’t-ibang uri ng patimpak. Samantalang ang labimpitung (17) mga magagaling na batang athlete ng Lungsod ng Tayabas na nagkamit ng mga medalya sa iba’t-ibang uri ng pampalakasan ay binigyan ng cash incentive mula sa Pamahalang Lungsod ng Tayabas.
 
Isinara ang palatuntunan sa pananalita ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso na masayang inanunsyo na simula ngayong Lunes ay matatanggap na ang Cash Assistance ng mga kawani at Job Order ng Pamahalaang Lungsod ng Tayabas. At ang kanyang palaging paalaala sa mga kawani na patuloy na maglingkod na may ngiti sa labi at palaging isabuhay ang Serbisyong may Puso.
SHARE ON
Scroll to Top