TINGNAN || UNANG ARAW NG PAMAMAHAGI NG MAS PINALAKING SOCIAL PENSION SA MGA QUALIFIED SENIOR CITIZEN.

TINGNAN || UNANG ARAW NG PAMAMAHAGI NG MAS PINALAKING SOCIAL PENSION SA MGA QUALIFIED SENIOR CITIZEN.
18 Apr 2024

Events

News

TINGNAN || UNANG ARAW NG PAMAMAHAGI NG MAS PINALAKING SOCIAL PENSION SA MGA QUALIFIED SENIOR CITIZEN.

TINGNAN || UNANG ARAW NG PAMAMAHAGI NG MAS PINALAKING SOCIAL PENSION SA MGA QUALIFIED SENIOR CITIZEN.
 
Dumagsa ang mga qualified lolo at lola na kasama sa listahan ng mga tatanggap ng P6,000 social pension sa iba’t-ibang lugar sa Lungsod ng Tayabas sa unang araw ng SocPen Payout ngayong Miyerkules, April 17, 2024.
 
Isinagawa ang nasabing payout sa Lakawan Covered Court, Ibabang Ilasan Covered Court, Ibabang Palale Covered Court, Dapdap Covered Court, Lita Covered Court at Wakas Multi-Purpose Hall na sadyang itinalaga para sa mga benificiaries buhat sa dalwampu’t limang (25) barangay.
 
Nakatakda namang tumanggap ng kaparehong halaga ng social pension ang natitirang mga pensioners buhat sa 41 barangay bukas, April 18, 2024.
 
Umabot sa kabuuang 2,882 qualified senior citizens buhat sa Lungsod ng Tayabas ang nakatakdang tumanggap ng social pension. Sila rin ang kauna-unahang social pension beneficiaries na tatanggap ng mas mataas na monthly pension na P1,000 buhat sa dating P500 per month.
 
Nagpaabot ng pagbati si Mayor Lovely Reynoso-Pontioso sa mga senior citizens na tumanggap ng pension.
SHARE ON
Scroll to Top