MAHALAGA ANG ANGKOP AT MALINIS NA PALIKURAN SA ATING KALUSUGAN.

MAHALAGA ANG ANGKOP AT MALINIS NA PALIKURAN SA ATING KALUSUGAN.
20 Oct 2023

Events

News

MAHALAGA ANG ANGKOP AT MALINIS NA PALIKURAN SA ATING KALUSUGAN.

TINGNAN || MAHALAGA ANG ANGKOP AT MALINIS NA PALIKURAN SA ATING KALUSUGAN.
 
Apatnapung (40) pamilya mula sa iba’t-ibang Barangay ng Lungsod ng Tayabas ang nabiyayaan ng toilet bowls o inidoro para magkaroon ng maayos na palikuran.

Isa ito sa mga proyekto na isinusulong na proyekto ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso sa ilalim ng Toilet Sanitation Program ng City Health Office.
 
Pinangunahan ni City Health Officer Dr. Hernando Marquez at mga kawani ng Sanitation Section ang pamamahagi ng mga toilet bowls na may kasamang semento at bakal na gagamitin sa pag-install nito ngayong Huwebes, October 19, 2023 sa Silungang Bayan ng Tayabas.
 
Ang mga programang pangkalusugan ay nakapaloob pa rin sa Serbisyong May Puso na binubuo ng HEART o Health, Education, Agriculture, Resources and Tourism ng administrasyon ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso, na mas madaling naisasakatuparan dahil sa buong suporta ni Vice Mayor Rosauro “Oro” Dalida.
SHARE ON
Scroll to Top