P659,500 CASH SUBSIDY, IPINAMAHAGI NI MAYOR LOVELY REYNOSO-PONTIOSO SA 454 APPOINTED OFFICIALS NG 48 BARANGAY.

P659,500 CASH SUBSIDY, IPINAMAHAGI NI MAYOR LOVELY REYNOSO-PONTIOSO SA 454 APPOINTED OFFICIALS NG 48 BARANGAY.
20 Oct 2023

Events

News

P659,500 CASH SUBSIDY, IPINAMAHAGI NI MAYOR LOVELY REYNOSO-PONTIOSO SA 454 APPOINTED OFFICIALS NG 48 BARANGAY.

TINGNAN || P659,500 CASH SUBSIDY, IPINAMAHAGI NI MAYOR LOVELY REYNOSO-PONTIOSO SA 454 APPOINTED OFFICIALS NG 48 BARANGAY.
 
Nagtipon-tipon para tumanggap ng tig-one thousand five hundred pesos (P1,500) na subsidy ang 454 appointed barangay officials buhat sa 48 barangay na kabilang sa 3rd batch sa ginanap na payout sa Atrium ng New Tayabas City Hall ngayong Biyernes, October 20, 2023.
 
Umabot sa halagang six hundred fifty nine thousand five hundred pesos (P659,500) ang ipinamahagi ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso sa mga appointed officials na kinabibilangan ng mga Bantay Bayan, Lupong Tagapamayapa, Barangay Health Workers, BRK, Brgy. Secretary at Brgy. Treasurer. Ang subsidy ay pagpapakita ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas ng pagpapahalaga at pagkilala sa mahusay nilang pagtupad sa kanilang tungkulin bilang katuwang ng pamahalaan.
 
Buong pagmamalaking ibinalita ni Mayor Lovely ang programa ng kanyang administrasyon na Tayabazen Digital Platform, na magpapabilis at mapapaginhawa sa pag-avail ng mga serbisyo ng pamahalaan.
 
“Lubos ang aking pasasalamat sa inyong malaking tulong para mas mapabuti at patuloy na mailapit sa tao ang Serbisyong Reynoso. Ipinagmalaki ko ang mga matatagumpay na programa, proyekto at gawain ng Administrasyong Reynoso na patuloy kong ipatutupad sa kabila ng pagpanaw ng aking inang si Mayor Aida Reynoso.” Ito ang naging mensahe ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso sa mga appointed official ng barangay na nagtipon para tumanggap ng financial subsidy.
SHARE ON
Scroll to Top