10
Nov 2023
News
MGA ALITUNTUNIN AT PANUNTUNAN SA PAG-OKUPA NG MGA TENANTS NG TAYABAS SATELLITE MARKET, BINALANGKAS. PREPARATORY COMMITTEE BINISITA ANG GUSALI PARA MA-UPDATE SA KASALUKUYANG ESTADO NG FINISHING STAGE NG SATELLITE MARKET.
TINGNAN || MGA ALITUNTUNIN AT PANUNTUNAN SA PAG-OKUPA NG MGA TENANTS NG TAYABAS SATELLITE MARKET, BINALANGKAS. PREPARATORY COMMITTEE BINISITA ANG GUSALI PARA MA-UPDATE SA KASALUKUYANG ESTADO NG FINISHING STAGE NG SATELLITE MARKET.
Kasama ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso ang Satellite Market Preparatory Committee na kinabibilangan ng Local Finance Committee, Office of the City Administrator, Office of the City Engineer, Office of the City Architect, Business Permit and Licensing Office, Local Economic and Investment Promotions Office, Operations of the Public Market, Traffic Operations Section at iba pang katuwang na tanggapan nang bumisita sa Tayabas Satellite Market and Transport Terminal ngayong umaga ng Huwebes, November 9, 2023, upang personal na makita ang kasalukuyang estado ng finishing works nito.
Kumbinsido si Mayor Lovely Reynoso-Pontioso na mabubuksan na sa publiko ang Tayabas Satellite Market and Transport Terminal sa lalong madaling panahon.
Binabalangkas na rin ng Preparatory Committee ang mga ipatutupad na guidelines and house rules sa mga tenants and occupants ng satellite market.