PITUNDAAN APATNAPU’T SIYAM NA QUALIFIED INDIGENT-STUDENTS, TUMANGGAP NG DAGDAG-BAON MULA SA PAMAHALAANG LOKAL NG LUNGSOD NG TAYABAS.

PITUNDAAN APATNAPU’T SIYAM NA QUALIFIED INDIGENT-STUDENTS, TUMANGGAP NG DAGDAG-BAON MULA SA PAMAHALAANG LOKAL NG LUNGSOD NG TAYABAS.
18 Dec 2023

Events

News

PITUNDAAN APATNAPU’T SIYAM NA QUALIFIED INDIGENT-STUDENTS, TUMANGGAP NG DAGDAG-BAON MULA SA PAMAHALAANG LOKAL NG LUNGSOD NG TAYABAS.

TINGNAN || PITUNDAAN APATNAPU’T SIYAM NA QUALIFIED INDIGENT-STUDENTS, TUMANGGAP NG DAGDAG-BAON MULA SA PAMAHALAANG LOKAL NG LUNGSOD NG TAYABAS.
 
Four thousand pesos (P4000) para sa college students at two thousand pesos (P2000) para sa junior and senior high school students na pawang kapos sa kakayahang pinansyal o indigent students ang ipinamahagi ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso sa 749 qualified beneficiaries ngayong Lunes, December 18, 2023 sa Atrium ng New Tayabas City Hall.
 
Nagmistulang “Ninang” si Mayor Lovely Reynoso-Pontioso na namahagi ng aginaldong Dagdag-Baon sa 229 college and 520 senior and junior high school scholars ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas.
 
Ang nasabing indigent student-beneficiaries ay sumailalim at pumasa sa mahigpit na pamantayan para mapabilang sa Dagdag Baon Educational Assistance Program ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas.
 
Kasama ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso si Konsehal Elsa Rubio sa pamamahagi ng Dagdag Baon sa mga mag-aarala.
 
Sa kanyang mensahe ay muli niyang sinigurado na ang mga nasimulan ng kanyang namayapang ina na si Mayor Aida Reynoso ay kanyang ipagpapatuloy lalo’t higit ang Dagdag Baon Program upang makapagbigay tulong sa mga mag-aaral na Tayabasin. Dagdag pa niya, “hangga’t may naniniwala at umaasa sa aking paunungkulan ay patuloy akong maglilingkod sa mamamayan lalo na sa mga Kabataang Tayabasin upang ipagpatuloy ang pag-asenso at progreso ng Lungsod ng Tayabas.”
SHARE ON
Scroll to Top