MONDAY FLAG RAISING CEREMONY

MONDAY FLAG RAISING CEREMONY
01 Apr 2024

News

MONDAY FLAG RAISING CEREMONY

MONDAY FLAG RAISING CEREMONY
NEW TAYABAS CITY HALL
APRIL 1, 2024.
 
Isinagawa ang Flag Raising Ceremony para sa unang lunes sa buwan ng Abril 2024, na pinangunahan ng Office of the City Administrator sa Atrium ng New Tayabas City Hall ngayong umaga. Samantalang si Msgr. Dennis Imperial ang namuno sa pangkalahatang panalangin katulong sina Pastor Ronnie Sombrero at Pastor Biron.
 
Sa pangalawang bahagi ay inanunsyo ni HRMO Officer Mary Jane Calupig na simula ngayong araw ay itatalaga sa bawat opisina ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas ang labing-anim (16) na work immersion students mula sa Dapdap Integrated High School.
 
Bagamat hindi nakadalo sa seremonya si Mayor Lovey Reynoso-Pontioso at Vice Mayor Rosauro Dalida ay si Konsehal Elsa Rubio ang nagpaabot ng kanilang mensahe para sa mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Tayabas.
SHARE ON
Scroll to Top