MONDAY FLAG RAISING CEREMONY

MONDAY FLAG RAISING CEREMONY
19 Feb 2024

News

MONDAY FLAG RAISING CEREMONY

MONDAY FLAG RAISING CEREMONY
Atrium, New Tayabas City Hall
February 19, 2024
 
“Ngayung araw ay simula nanaman ng bagong hamon sa atin upang makapaglingkod sa ating mga kababayan. Ang akin pong pakiusap sa lahat ng naglilingkod sa Lokal na Pamahalaan ay sana kasingganda ng ating bagong City Hall ang serbisyong ibibigay sa ating mga kababayan at ang mga pagkilalang tinatanggap po natin ay alay po natin sa bawat isang nagtutulong-tulong para makamit po natin ang lahat ng pagkilalang ito. At inaasahan po natin ang isang buong linggo na puno ng pag-asa, pag-ibig at pagmamahal sa kapwa.”
 
Sa mga ganitong kataga ipinahayag ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso ang pagbibigay ng motibasyon sa mga kawani ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas na dumalo sa Flag Raising Ceremony ngayong Lunes.
 
Nanguna si Mayor Lovely Reynoso-Pontioso at Vice Mayor Rosauro “Oro” Dalida kasama ang mga opisyal at kawani ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas sa pagdalo sa seremonya ng pagtataas ng bandila na pinangunahan ng Office of the Sangguniang Panlungsod. Samantalang si Msgr. Dennis Imperial ang namuno sa pangkalahatang panalangin katulong si Pastor Ronnie Sombrero.
 
Sa pangalawang bahagi ng seremonya ay binigyang daan ang pagkilala sa City Nutrition Council bilang Consistent Regional Outstanding Winner in Nutrition (Crown) Awardee sa katatapos na 2023 National Nutrition Awarding Ceremony noong February 12, 2024 sa Manila Hotel.
SHARE ON
Scroll to Top