AICS PAYOUT NGAYUNG HAPON IBINIGAY SA ISANG DAAN AT SIYAMNAPUT WALONG TAYABASIN (198)

AICS PAYOUT NGAYUNG HAPON IBINIGAY SA ISANG DAAN AT SIYAMNAPUT WALONG TAYABASIN (198)
16 Jan 2024

Events

News

AICS PAYOUT NGAYUNG HAPON IBINIGAY SA ISANG DAAN AT SIYAMNAPUT WALONG TAYABASIN (198)

January 15, 2024
 
SERBISYONG MAY PUSO!
 
AICS PAYOUT NGAYUNG HAPON IBINIGAY SA ISANG DAAN AT SIYAMNAPUT WALONG TAYABASIN (198)
 
Ito ay tulong para sa ating mga kababayan na kinapos sa pangtustos o walang pambili ng gamot. Isa ito sa mga proyekto ng Serbisyong Reynoso.
 
Sa pangunguna ng ating Punong Lungsod Lovely Reynoso Pontioso kasama ang CSWDO staff sa pangunguna ni Ma’am Irma Ilocario, kasama ang ating masisipag na konsehal ng Tayabas, Konsehal Elsa Rubio, Konsehla Luz Cuadra, Konsehal Melo Cabarubias.
 
Ito ay para sa mga kapwa nating mamamayan na mas higit na nangangailangan, napakalaking tulong nito dahil naiibsan ang kanilang mga problema lalo na sa pambili ng GAMOT, MILK ASSISTANCE, BURIAL ASSISTANCE at iba na pangangailangan ng ating mga kababayan.
 
Umabot sa halagang P624,800 ang naipamahagi sa 198 na indibidwal ang nabigyan ngayung hapon sa tanggapan ng inyong likod Barangay Baguio New City Hall Tayabas City.
 
Nakakataba po ng puso na patuloy tayong nakakapaghatid ng tulong financial sa ating mga kababayan hangad po ng ating Punong Lungsod Lovely Reynoso Pontioso na mas marami pa tayong matulongan sa bawat proyekto ng Serbisyong Reynoso.
SHARE ON
Scroll to Top