MONDAY FLAG RAISING CEREMONY

MONDAY FLAG RAISING CEREMONY
12 Feb 2024

News

MONDAY FLAG RAISING CEREMONY

MONDAY FLAG RAISING CEREMONY
Atrium, New Tayabas City Hall
February 12, 2024
 
“Love conquers all. Kahit ano po ‘yung mga ikagigimbal at ikatatakot ng mga tao, hindi po yan ang nangingibabaw. At nakita ko po ngayon ang wisdom na yan na mas mangibabaw ang pagmamahal sa ating lahat. Bagama’t nagkalat po sa paligid ang mga negatibong balita pero sana po ang mangibabaw ay pang-unawa at pagmamahal.”
 
Sa mga ganitong kataga ipinahayag ni Mayor Lovley Reynoso-Pontioso ang pagbibigay ng motibasyon sa mga kawani ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas na dumalo sa Flag Raising Ceremony ngayong Lunes.
 
Nanguna si Mayor Lovely Reynoso-Pontioso at Vice Mayor Rosauro “Oro” Dalida kasama ang mga opisyal at kawani ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas sa pagdalo sa seremonya ng pagtataas ng bandila na pinangunahan ng Office of the City Vice Mayor at Office of the Sangguniang Panlungsod. Samantalang si Sister Aida Pangilinan, MCST ang namuno sa pangkalahatang panalangin katulong sina Pastor Jun at Pastor Ronnie Sombrero.
 
Sa pangalawang bahagi ng seremonya ay maagang pinakilig ni Tayabas City Police Station Chief LTCOL Bona A Obmerga ang mga kawani ng mamigay siya ng fresh flowers kaugnay na nalalapit na selebrasyon ng Valentine’s Day.
SHARE ON
Scroll to Top