LAHAT NG BENEPISYO NG ISANG SENTENARYO KUMPLETO NANG NATANGGAP NI LOLA FRANCISCA SOMBRERO VALENCIA NG BARANGAY ANGUSTIAS ZONE-1.

LAHAT NG BENEPISYO NG ISANG SENTENARYO KUMPLETO NANG NATANGGAP NI LOLA FRANCISCA SOMBRERO VALENCIA NG BARANGAY ANGUSTIAS ZONE-1.
15 Nov 2023

News

LAHAT NG BENEPISYO NG ISANG SENTENARYO KUMPLETO NANG NATANGGAP NI LOLA FRANCISCA SOMBRERO VALENCIA NG BARANGAY ANGUSTIAS ZONE-1.

TINGNAN || LAHAT NG BENEPISYO NG ISANG SENTENARYO KUMPLETO NANG NATANGGAP NI LOLA FRANCISCA SOMBRERO VALENCIA NG BARANGAY ANGUSTIAS ZONE-1.
 
Tinanggap ni Lola Francisca ang halagang sandaang libong piso (P100,000) bilang centenarian cash gift na personal na inihatid sa kanyang tahanan nina Mayor Lovely Reynoso-Pontioso, CSWDO Irma Ilocario at ng kinatawan ng CSWD-Calabarzon na si PDO-II Jevelle Tobongbanua ngayong hapon ng Lunes, November 13, 2023.
 
Kumpleto nang natanggap ni Lola Francisca ang mga benepisyong inilalaan para sa mga centenarian o iyong mga umabot ng sandaang taon.
 
Matatandaang unang natanggap ni Lola Francisca ang sampung libong piso (P10,000) mula sa Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas nang ihatid ito sa kanya ng noo’y Punong Lungsod Ernida Agpi Reynoso sa kanyang ika-100 kaarawan noong March 8, 2022.
 
Nasundan ito ng pagtanggap niya ng halagang dalwampung libong piso (P20,000) buhat sa Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon noong October 6, 2022.
SHARE ON
Scroll to Top